STOP READING

14 0 0
                                    

Maingat akong nagtatago sa likod ng puno habang nagmamanman sa paligid. Nang nasiguro ko na walang tao, kumaripas ako ng takbo patungo sa gusaling nasa harapan ko.

Hinihingal na sumandal ako sa may pader pagkapasok ko sa loob. Ang tahimik. Tanging lakas ng pintig ng puso ko lang ang naririnig.

Kinakabahan ako. Hindi dapat ako makita dito kundi patay ako.

Umayos ako ng tindig at nagpatuloy sa paglalakad nang biglang...

"AHHHHHH!" napatili ako dahil may humawak sa braso ko.

Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan ang nagmamay-ari ng braso at naningkit ako nang makita kung kanino.

"Ikaw na naman! Anong ginagawa mo dito?!" pabulong pero may diin kong tanong.

"Hindi ba dapat ako ang magsabi sayo nyan?" sagot niya at humalakipkip."Ikaw na naman. Ano ang ginagawa mo dito?" taas-kilay niyang tanong.

Umikot ang mga mata ko. "Ewan ko sayo! Doon ka na nga. Shoo!" pagtataboy ko sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at iniwan siya. Pero maya-maya pa'y naramdaman ko siya sa likuran ko kaya naman huminto ako at hinarap siya.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Hindi ah. Dito talaga ang punta ko. Ikaw, saan ka pupunta?"

Inirapan ko siya at sinabing, "Wala ka na dun."

"Hmm... Mamboboso ka noh?"

Umusok naman ang magkabilang tainga ko sa narinig.

"Excuse me? Di ako manyak noh!"

"Eh saan ka nga pupunta aber? Boys' Shower Room na ito oh. Duh?"

"Shh! Huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sa atin at mahuli ako. Alam mo namang off limits ang girls dito."

"Alam mo naman pala eh!" kinawit niya ang kanang braso niya sa kaliwang braso ko. "Umalis na tayo dito, trespasser."

Pilit niya akong hinihila palabas pero hindi ako nagpatinag.

"Ano ba Anton! Naman eh. Ibibigay ko lang yung regalo ko kay Luhan."

"Suuuuus! Mga palusot mo. Pwede mo naman ibigay sa ibang lugar mamaya. Ang sabihin mo, sisilipan mo lang siya."

"Hindi nga sabi. Alam mo namang busy na ako mamaya kaya it's now or never lang talaga. Bitiwan mo na-" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil may paparating. Hinila ko kaagad si Anton at pumasok kami sa isang silid para magtago.

Nasa hallway kasi kami at may mga pinto sa left at right sides. Kung ano ang nasa loob ng mga pintong iyon ay hindi ko alam. Ang building kasing ito ay exclusively for boys only kaya ngayon lang ako nakapasok dito. Basta ang alam ko, boys' shower and locker room ang first floor at boys' dormitory naman ang sa upper floors.

Napilitan lang akong pumasok dito dahil gusto kong maiabot ng personal ang regalo ko para sa pinakamamahal kong si Luhan. Birthday kasi niya ngayon at ni hindi ko pa siya nababati. Busy kasi ako kanina at mas magiging busy ako mamaya kaya ngayon lang talaga ang chance kong makausap siya. At kahit saan pang lupalop siya naroroon, pupuntahan ko siya. Aba. Sayang effort ko sa pag-bake nitong cake na ito kung hindi ko lang din maiibibigay noh. Imbes na magreview ako sa exam at mag-ready para sa thesis defense ko, inuna ko pa ring i-bake to.

Nilapit ko ang tainga ko sa may pinto at nakinig sa labas. Papalayo ng papalayo ang mga yabag hanggang sa tumahimik ulit. Huminga ako ng malalim. Mabuti na lang at storage room ang napasukan namin.

"Makinig kang mabuti," hinarap ko si Anton, "dalhin mo ko kay Luhan para makaalis na ako kaagad dito."

Inirapan naman niya ako. "Ayoko nga."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WRONG TURNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon