The Unexpected

128 17 10
                                    

A/N:
Hi readers! Sorry po sa mga wrong typos and grammar first time ko lng po kasing gagawa ng story dito sa wattpad.

So, Enjoy reading guys :) Don't forget to vote and comment...

**********

Ang pag-ibig dumarating daw ng hindi inaasahan, dapat hindi minamadali dahil kusa daw itong lalapit sa'yo sa Tamang Panahon.

Bakit naglalakad ba ang pag-ibig o baka naman tumatakbo? Kasi naman ang tagal dumating ni Mr. Right, lalagpas na yung edged ko sa kalendaryo eh wala pa kong nagiging boyfriend. Pero sabi nga "when a person is really into you, he/she will wait for you no but's and why's and mostly without asking when".

"Dad aalis na po ako!" paalam ko kay Daddy, pupunta ko kay Mommy dadalawin ko siya. Ngayon na lang ulit ako makakadalaw sa kaniya kasi hanggang ngayon di ko parin tanggap na wala na siya...


"Sige anak, ingat ka ha! "


So, nandito ko ngayon nag-aabang ng jeep, ang init grabe! Tiningnan ko yung katabi ko nakaall-black at nakajacket pa, lakas makaemo naman ni kuya. Buti nalang may humintong jeep, so sumakay na ko, ay! hindi lang pala ako pati pala si kuyang emo.

After 30 mins., nakarating na din ako sa cemetery. Habang naglalakad ako may narinig akong sumusunod sa'kin. Eh wala pa namang masyadong tao. Tiningnan ko kung sino yung sumusunod sa'kin pero si kuyang emo lang yung nakita ko.

Hanggang sa nakarating ako sa puntod ng aking mother, nakasunod pa rin si kuya. Narinig ko pang may katawagan siya.


"Yes! Nahanap ko na siya. Siguraduhin mo lang na tama yung impormasyon mo, dahil papatayin------" sabi niya sa mahinang boses sa kausap niya.

Hindi ko na narinig yung sumunod niyang sinabi kasi talagang natakot ako sa sinabi nya, lalo na't nang marinig ko ang "papatayin",kung sino man yon o ano man yon. Hanggang ngayon nanlalambot pa rin ang tuhod ko at malakas pa rin ang tibok ng puso ko.


"Ah Miss"

Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko. Si kuyang Emo lang pala.

Loading....
Loading....
Loading....
Loading....

Wait, what?! Si kuyang emo?! Dali-dali akong lumayo sa kaniya at saka lumuhod.

"Kuya wag niyo po akong papatayin! Ano po ba ang naging kasalanan ko sa inyo? " sabi ko habang nakaluhod at tumutulo ang luha ko. Pero mas nakakagulat ang naging sagot ni kuya.


"Hahaha! Ano ba Miss yung sinasabi mo? Makikisindi lang naman sana ako ng kandila kasi nakalimutan ko palang bumili kanina! Hahaha at anong papatayin? "


Nakanganga lang ako habang nagsasalita si kuya. Grabe pahiya ako dun ah! Dali-dali akong tumayo at nagpunas ng luha.


"Sino garod yung nahanap mo tapos yung papatayin mo na sinabi mo sa kausap mo? Diba ako yun? Kaya mo ko sinusundan? "


"Paano mo-----wait, kanina ka pa ba nakikinig sa usapan namin ng kausap ko? Miss, wag kang assumera ah, hindi ikaw yon at hindi ako mamamatay tao! "


Hala! nasabihan pa kong assumera, bakit kasi umiral na naman yung pagiging chismosa ko eh.


"So, kung hindi ako, sino garod yung papatayin mo? " ano ba yan, mouth tikom na please! Bakit ba kasi walang preno 'tong bibig ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon