Tayo Na Hindi Tayo (One-Shot)

878 20 12
                                    

Ang saya,dahil naka-close na kita. At masaya ako..na okay tayo. Pero minsan naisip ko,hanggang "friends" na lang ba tayo? Yung friendsary natin,wala na bang pag-asang maging monthsary? Napagkakamalan pa ngang "tayo" daw eh dahil sobrang close natin. Hindi ba pwedeng maging totoo 'yon? Ang hirap naman netoo...

TAYO NA HINDI TAYO?

Ano ba talaga?!

-------------------------------------

Hahaha,sana magustuhan niyo. Rush lang tong story na itooo. Wala ng draft draft,on the spot! ^_^

-------------------------------------

KRIIIINGGG!

"Goodbye Miss Castro,goodbye classmates! See you on Monday."

*clap clap clap* "Wow,English!"

"Huyy. Yanyan,uwian na po. Helloooo?" si Joy. Ay? Uwian na? Weeee? Haha,nagde-daydreaming pa nga ako eh.

"Ay,weh?" yung lang nasabi ko.

"Hay nakooo.Alam mo,ang galing galing mo sa Science pero hindi mo nai-a-apply yung mga natututunan mo sa totoong buhay.."

Huh?!

"Ehh,baket na naman?"

Bigla nalang siyang sumigaw. "Ikaw pa man din ang nagsabi na maraming napuputol na puno dahil sa magastos na paggamit ng papel. EH TINGNAN MO YAN! Halos maubos na yung kalahating page ng notebook mo kakasulat sa pangalan ni Julian! At di ka pa nakuntento,nagfe-flames ka pa ah!"

"EH WAG KANG GALET! AT SAKA,KAILANGAN IPAGKALAT?!" ganto talaga kaming magkaibigan. Mga bingi.

"Hmmp! Ewan ko sa--"

Whaaaa! Di ko na siya pinatapos magsalita. UWIAN na! Yes! Favorite part of the day. Ito lang naman ang pinakahihintay ko buong magdamag.

Bakit?

Kasi yung lang ang oras na nakakausap ko siya.

Ay teka! Ang drama!

By the way, I'm Arriane. Yan-yan for short. 2nd year high school student. Yan lang ang details na pwede kong sabihin sa inyo. May secret identity kasi ako. ^_^ Charot.

Back to the topic,gustung-gusto ko talaga kapag uwian kasi dun ko lang nakakausap si Julian. And speaking of Julian,classmate ko siya. Medyo tahimik siya at madaldal lang siya kapag kasama niya ang barkada niya. And I'm one of them. Pero ang pinagtataka ko,kapag nasa classroom,hindi niya ako pinapansin. Ay,kinakahiya ako? Yun ang ayaw ko sa kanya eh. Pero naisip ko,siguro nahihiya lang siya.

At ngayon,eto ako. Daig ko pa si Flash kung tumakbo. Papunta ako ngayon sa student lounge kung saan nakatambay ang grupo ng taong gusto ko.

"Juliaaaaaaaaaan!" hingal na hingal ako pagkadating ko.

"Yes?" wow ah? Ang energetic ng sagot.

"May assignment ba?" nyenye. Haha,alam ko namang meron eh! Pero siyempre,yung lang ang magandang topic na naisip ko para masimulan ang conversation sa aming dalawa.

"Meron,ipopost ko nalang mamaya sa facebook."

Okay.. Oh tapos?

Silence.

Ganto na lang ba matatapos yung usapan?

"Ahh.." magsasalita na ulit sana ako kaso..

Tayo Na Hindi Tayo (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon