CHAPTER 12: Break Up

38 3 0
                                    

CHAPTER 12

CHASEY

Nang hapon na iyon ay gumaan na ang pakiramdam ko. Feeling ko nga eh nadehydrate at nalipasan ako ng matinding gutom ako kaya nilagnat ako ng saglit lang. Nagpaalam na si Greg sa akin at nagpasalamat na rin ako.  Nagtext si Zerkin sa akin.

"Hi Hailey. ♥♥♥ I miss you! Are you okay? Sabi ng kuya mo tulog ka pa daw at may importanteng pupuntahan ka daw kaya hindi na ako pumunta dunsa house niyo. Pwede bang magkita tayo sa Fountain Park??"

Sinigaw ko ang pangalan ni Greg para tawagin siya. Bumalik siya sa kwarto ko at tinanong niya kung bakit at sinabi at pinabasa ko ang text ni Zerkin. Ngumiti lang siya.

"Hala ano Greg puntahan ko ba??"

ang tanong ko habang napakagat ako sa labi ko dahi sa confusion.

"Wala akong pakialam. Im not your love guru."

ang straight to the point na sagot niya sa akin. Aray ang harsh naman niya magsalita.

"I don't know what to do right now. Naguguluhan na ako."

ang sabi ko at totoong naguguluhan ako.

"Listen to your HEART. That's your adviser about love. Listen to your brain. That's your adviser about right and  wrongs :) heart plus brain equals wise decision."

ang sabi niya na para bang may pinanghuhugutan. Wow. What a word! Listen to my heart and brain. Simultaneously?? I will try. Okay I will.

"Sige. Nakapagdecide na ako. I'll go..but I want you to accompany me.:)"

ang sabi ko na may condition pa.

"No. Ano ako? Chaperon mo? Wow ha nasarapan mo na ata ang pang-aalipin mo sa tulad kong heartthrob!;)"

ang tanggi niya sa akin. Tumuloy na siya sa pag-alis niya at ako naman ay nagshower lang at nagsipilyo(baka mabinat eh) at nagpalit ng ng simpleng damit. Ginamit ko na lang yung bike ko para makapunta sa Fountain Park. Nakarating rin ako dun. Dali-dali na lumapit sa akin si Zerkin sabay yakap. Hindi ako natutuwa sa ginagawa niya ngayon.

"Bakit ka absent? Tinawagan kita ng ilang times pero mukhang lowbat ka siguro nung umaga. Akala ko nga kung ano nang nangyari sayo."

ang pa-concern niyang sabi. Hindi ko alam pero lalo  lang ako naiinis  sa mga sinasabi niya. Akala daw niya may nangyari na sa akin. Dumbass meron talagang nangyari sa akin kung alam mo lang. At isa ka sa dahilan.

Hinawakan niya ang arms ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin at hahalik na siya. Biglang sumagi sa isip ko ang pagkakahalik sa kanya ni Chasey. Hindi ako papayag na mahalikan ng tulad niyang manloloko. At ito ang naging dahilan para maitulak ko siya sa pagkakahalik niya sa akin. Di ko alam pero parang may trauma ako sa kiss eh. Nagulat rin siya dahil masyadong malakas ang pagkakapiglas ko sa mga arms niya. Heto na naman at napa-walk out ako sabay takbo. Parang dejavu lang ang naganap sa akin ngayon pero ang kaibahan lang ay, alam kong umiiyak na ako ngayon habang tumatakbo. Ang OA ko na. Puro na lang iyak. Nakakasawa na pero hindi ko mapigilan. Am I so weak para madaling lokohin at paiyakin? ;(

Tulad na naman ng nangyari kagabi, nag-walkathon ako pauwi pero hindi ko na hiningi ang tulong ni Greg sa pagkakataong ito. Humiga sa kama at puro kadramahan ang naganap.

●●●

Umabsent na naman ako kinabukasan pero half day lang. Wala na akong lakas para pumasok pero nilakasan ko ang loob ko para ipakitang hindi ako weak. Nakapatay ang cellphone ko para hindi nila ako ma-contact. Pumunta ako sa school nang mag-isa at magpapanggap ako na parang walang nangyari. Pumasok ako ng first class ng hapon. Nakatingin lahat sa akin at parang umiiwas at pinagchichismisan nila ako. Paano ko ba naman hindi malalaman na ako yung topic, eh yung bulong nila ay rinig na rinig at parang sinasadya nila. Pati ba naman sa klase wala akong kakampi?

She's Inlove With The HBsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon