My Monster Girlfriend (One shot)

207 4 0
                                    

A/N: Hellooooo there ^_^..... Huehue!! Wala lang.. trip ko lang po gumawa ng story... Titignan ko lang kung makakaya kong gawan ng story ang My Monster Girlfriend :)

Soooooo eto naaaaaaaaaaa!!!! ^__^

--------------------------

"Iniiiiiiigggggoooooo!!!" halos mabingi ang mga tenga ko dahil sa sigaw ng babaeng to. Parang nakalunok ng mike! P*ta! 

"Aaannnnoooooooo!!!" sigaw na bawi ko din sa kanya! Kala niya ha! Siya lang marunong sumigaw! Pwes,ako din!

"Sinisigawan mo na ko ngayon ha!?" sabi niya habang nanlalaki ang mga mata niya...

"Oh bakit? ikaw lang may karapatang sumigaw ha?" pasigaw na sabi ko sa kanya.

"Ah ganun! Nilalabanan mo na ko ngayon ha! Oh di sige! Magbreak na tayo!" inis na sabi niya at lumabas ng apartment ko. Talaga tong babaeng to! Kahit kailan! Nako kung di lang talaga kita mahal ako na nakipaghiwalay sayo eh! 

YAN! Yan si Francheska Reyes! My Monster Girlfriend! Nakakatakot kasi ang babaeng yan! Lalo na pag nagagalit! Kala mo makakapatay ng tao sa sobrang inis. 

Bahala siya! Sanay na ko diyan! Makikipagbati din yan mamaya! Wahahahahaha...

By the way papasok muna ko dahil baka mamaya malate pa ko sa class ko. Di ko nga alam dun sa babaeng yun eh! Pupunta-punta dito sa apartment ko para lang sigawan ako! Hay nako! Loka-loka!

Pagdating ng breaktime ay agad kong hinanap ang bestfriend kong si Justin at kinuwento sa kanya ang nangyari na naman kanina samin ng monster kong girlfriend.

"Haha! Di ka pa nasanay diyan sa girlfriend mo. Lagi namang ganyan yan eh!"

"Alam mo ba kanina kala ko kung ano na gagawin niya yun pala sisigawan lang ako! Nakakaasar na!"

"Eh di papayag kana nga na makipaghiwalay sa kanya?! So pano single kana ulit?" agad ko nga siyang binatukan. Bakit may sinabi ba ko?

"Ulol! May sinabi ko?"

"Ahahahaha! Nako! Ewan ko sa inyong dalawa. Basta ako walang pinoproblema ahahaha! Sige maiwan na kita dude. Maghahanap pa ko ng chiks."

"Chiks? Diyan ka naman magaling eh! Bahala ka!" pagkasabi ko nun ay agad na siyang tumayo at iniwan ako. Hay nako!  Babaero talaga!

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko ang girlfriend ko habang nakasimangot at ang sama pa kung tumingin sakin. Parang may ginawa akong masama ah! Kung makatingin wagas!

"Oh? Anong ginagawa mo dito? Kala ko ba break na tayo?" sabi ko pagkapasok. Pero syempre joke lang yun! Tinitignan ko lang kung anong magiging reaksyon niya! *Evil laugh*

Inis siyang tumayo at laking gulat ko ng ibato niya sakin ang mga gamit niya kasama ang bag niya.

"Hoy! Bakit mo ko binato ha?!" inis na tanong ko. 

"Nakakaasar ka! Alam mo yun?!"

"Ano? Ako pa ngayon ang nakakaasar ha?"

"OO!" sigaw ulit niya.

"Pwede ba! Huwag ka ngang sumigaw! Hindi ako bingi!"

"AAAARRGGGHHH! Nakakaasar kaaaaa---mmmm" napatigil siya sa pagsigaw ng bigla akong lumapit sa kanya at tinakpan ang bibig niya.

"Sige sigaw pa! Hahalikan na kita!" pagbabanta ko.

Agad naman nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Hindi pa kasi kami nagkikiss kahit kailan. Eh pano naman kasi namin magagawa yun kung puro sigawan at awayan ang ginagawa namin. Hindi ko nga alam kung pano ko nagawang tiisin ang isang to!

"Oh ano? Sisigaw ka pa?" pananakot ko ulit.

"Nakikita mo bang sumisigaw ako?" mahinahong sabi niya. Ngayon ko lang narinig yun ah! Ang malambing niyang boses. Kakainlove.

"Alam mo babe, mas bagay sayo kapag di ka sumisigaw." i said sweetly.

At sa wakas nakita ko na rin siyang ngumiti. Ang ganda pala ng girlfriend ko.

"A-anong sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sabi ko babe,mas bagay sayo pag di ka sumisigaw. Isa pa mas maganda ka pag nakangiti." mukha namang kinilig siya sa sinabi ko..dahil ngumiti ulit siya pero this time ngiti na parang kinikilig.

"S-sorry nga pala. Sorry kung lagi kitang sinisigawan. Sorry sa pagigi--"

"Ako ang dapat magsorry. Dapat naging pasensyoso ako."

"Favor naman oh?" sabi ko. Sa wakas! Makikiss ko na siya! Wahahahaha! *__*

"A-ano yun?"

"Pwede ba makahingi ng.......kiss?"

O_O siya...

"H-ha? K-k-kiss?" di makapaniwalang sabi niya.

"Yup..pwede ba?"

Napangiti ako ng bigla siyang tumango at bigla na lang akong hinalikan sa labi..Binawian ko na lang din siya ng halik. Isang matamis na halik...

"I LOVE YOU, BABE, I LOVE YOU MY MONSTER GIRLFRIEND."

"I LOVE YOU TOO." then we kissed again..

- wakas...

Wahahahahaha!!! sana po nagusutuhan niyo ang one shot na ginawa ko..

comment and vote na lang po kayo kung nagustuhan niyo. 

salamat!!!!

My Monster Girlfriend (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon