Chapter 5

2 1 0
                                    

Brena's POV:/

 

     Naglalakad ako sa hallway kasama sila Angela tska si Trisha tapos nakita ko si anna na kakarating palang ata sa School tapos bigla nalang nag ingay ang paligid

"yan ba yung transferre?" pagtatanong ni maezy

"oo girl para ngang bruha eh" sagot naman ni sashi

"ayy tama ka girl" pagsang ayon naman ni kiesha

"naku akala ko ba bawal pets dito bakit siya tinanggap?" sabi naman ni maezy

"hahaha naku girl ah wag kang masyadong hard sa bruhang babaeng yan" sabi ni kiehsa na sinabayan ng halakhak ni sashi

     Nakita ko namang tumakbo palayo si Anna parang gusto ko siyang habulin tska icomfort parang bumabalik yung mga panahong ayaw ko nang balikan

   Pagkatapos ng eksenang yun pumunta kami ng banyo kasama ang mga kaibigan ko actually parang ako nga lang ang naiiba sa aming tatlo eh sila ubod ng kamalditahan tas ako naman medyo mabait pero syempre nakadepende yan kung paano nila ako itrato kahit papano may puso rin naman ako nagsimula lang naman akong magkaganito nung iniwan ako ng magaling kong boyfriend at sa sobrang dami kong iniisip hindi ko na napansin na nandito na pala kami sa banyo

"grabe yung bulong bulongan tungkol kay anna kanina noh naaawa tuloy ako sakanya parang gusto ko siyang kausapin" sabi ko sakanila habang nag reretouch

"naku ikaw brena wag ka nga maawa sa mangkukulam na yun di naman siya nababagay sa'tin hindi niya tayo ka level noh" mataray na pahayag ni angela

"ayy naku girls tara na nga at baka malate tayo sa class natin" sabi naman ni trisha

"mas mabuti pa nga" sabi ni angela at hindi nalang ako umimik

    Nakarating kami sa hallway ng mapansin naming paparating si anna aakma namang papatidin ni angela si anna kaya nadapa si Anna

"ano ba yan! ang tanga tanga mo naman kasing babae ka! anong silbi ng mata mo kung hindi ka naman tumitingin sa dinadaanan mo ha?!!" pasigaw na sabi ni angela kay anna na parang nanlilisik ang mga mata

"pasensya na po" sabi ni anna sabay pulot sa mga gamit niya na bumagsak pero hindi nakuntento si angela at sinabunutan niya pa si anna grabe ang dami ng taong nakapaligid sa amin tila parang nanunuod sila ng live sabunutan nilapitan ko naman sila

"angela bitiwan mo nga siya hindi ka ba naawa sa kanya? alam mong wala na nga siyang laban sayo tapos gaganyanin mo pa?" galit na pahayag ko kay angela hindi ko na kasi siya matiis eh

"ano ba brena wag ka ngang mangialam problema ko na ito" halos pasigaw na sabi ni angela siguro hindi siya makapaniwala na kinalaban ko siya

"binabalaan kita angela kung sasaktan mo man ulit si anna ako na ang makakalaban mo tandaan mo yan!" sabi ko kay angela habang dinuduro ko siya tska ko hinila si anna papuntang rooftop upang makapag relax naman siya kahit saglit

--

"anna wag ka nang umiyak magiging maayos din ang lahat" pagpapatahan ko kay anna

"anna makinig ka sa akin ayaw ko lang na sinasaktan ka nila tska gusto kong maging kaibigan kita promise pag naging kaibigan mo ako walang sino ang makaka panakit at makakapang api sayo ng basta basta " sabi ko sakanya habang tinataas yung kanang kamay ko na parang nanunumpa, natawa siguro siya sa inasal ko para tuloy siyang ewan

"hahaha sige simula ngayon kaibigan na tayo nga pala ako si Aubrinna Ivee Marie Ellery 16 yrs.old ikaw?" pagpapakilala niya sa akin actually kahit hindi naman siya magpakilala eh alam ko naman yung pangalan niya

"ehem ako pala si Sabrina Mendez call me brena kung gusto mo 17 na ako" pagpapakilala ko kay anna

"friends forever" sabay na sabi namin tska sabay kaming pumasok sa room pinagtitinginan nga kami eh tapos si angela naman parang gustong patayin si anna sa mga titig niya


Anna's POV:/

        Nung pumasok kami ng room pinagtitinginan kami hindi ata sila makapaniwala na isang brena ang kasama ko ngayon tapos si angela naman parang gusto akong patayin sa mga titig niya

  "hayaan mo lang sila masasanay ka din dahil simula ngayon magakasama na tayo palagi" sabi ko kay anna habang papunta sa upuan namin

"salamat brena" pagpapasalamat ko kay brena. lumipat rin ng upuan si brena para daw magkatabi kami sa buong maghapon

*kkkkrrrrriiiiiiiinnnnggggg*

   sa wakas at tumunog na ang bell hudyat na mag lalunch na

"anna san mo gusto kumain?" tanong saakin ni brena habang nagliligpit ng mga gamit niya

"kahit saan nalang sab" sabi ko brena

"sab? ahm i like that anna from now on sab na ang itatawag mo sa akin" masayang sabi ni sab

"haha sige ba" masiglang tugon ko

"nga pala bat mo namang naisipang sab ang itawag mo sakin?" tanong sakin ni sab

"hmp wala lang gusto ko lang andami na kasing tumatawag sayo ng brena , sab naman para maiba diba?"masayang sagot ko sakanya

"oh sige tara na at nang makakain" pag ayaya sakin ni sab

    Pumunta lang kami sa likod ng building at napag desisyonan na duon nalang kami kumain ng tanghalian maganda naman ambiance dito medyo forest ang dating na parang garden basta ganun ko siya nakikita hanggang sa matapos kaming kumain kaso pagkatapos ng lunch vacant namin for 2 hours kaya pwedeng dito muna kami tumambay tska may duyan naman banda dun sa may malaking puno hanggang sa maisipan kong magbukas ng topic

"ahm sab" sabi ko sab

"bakit anna?" tugon naman ni sab

"pwede magtanong?" pagtatanong ko kay sab

"nagtatanong kana anna" pamimilosopo siya sabay tawa minsan nga nagpaghihinalaan ko ng baliw tong kaibigan ko eh yes tinuri ko na siyang totoong kaibigan ko kahit ilang araw palang kami nagkakilala

"ayt wag na ngalang galit agad eh" pangongosensya ko sakanya

"haha ano ka ba sige na magtanong kana" sabi niya sabay tawa baliw nga talaga siya walang duda

"ahm wag kang magagalit ah" paninigurado ko sakanya

"ano ba yung itatanong mo?" tanong niya sa akin

"ahm diba kaibigan mo sila angela? " tanong ko sakanya

"ahm oo naman" sagot niya

"eh bakit ako yung mas pinili mo kaysa sakanila?" tanong ko muli sa kanya saglit siyang napa isip bakit nga ba?

"kasi ayaw ko na sa pag uugali nila masyado na silang nagmamataas masyado silang mapang api sa kapwa tska gustong gusto kitang maging kaibigan anna gusto ko may kakampi ka rin" sabi sa akin ni sab na halata mong sincere siya sa mga sinasabi niya tapos niyakap ko siya ng mahigpit

"salamat sab" sabi ko habang umiiyak pero syempre tear of joy
ang dahilan ng pag luha ko ngayon







P.S:/ Go for friendship na ba talaga? hahaha just wait and see :)

The Unexpected LoveWhere stories live. Discover now