Mga Karakter:
Isabel "Isa" Castillo
-main character, panganay sa pamilyang Castillo
Imelda "Imee" Castillo
-bunso sa pamilyang Castillo
Ian Castillo
-pangalawa sa pamilyang Castillo
Rowena Castillo
-ina nina Isabel, Imee at Ian
Danilo Castillo
-ama nina Isabel, Imee at Ian
Kath Bautista, Patricia Reyes at Luis Rivera
-mga kaibigan ni Isabel
Yaya Gina
-yaya ng pamilyang Castillo
Jason Castro
-ka-opismate ni Rowena
Dr. Jose Cruz
-isang doktor
SCENE 1: RESULTA
(camera zoom out mula sa test paper ni Isabel, naglalakad siya kasama si Patricia at Kath)
Isabel: Hayy nako. Sesermonan nanaman ako ng magulang ko nito. Ang dami nanamang sasabihin nung nanay ko. Nakakainis!
Kath: Argh. Ako rin eh. Nakakatamad naman kasi mag-aral!
Patricia: Tamaa!
Isabel: Paano yan? Baka hindi ako payagan sa birthday party ni Luis mamaya.
Kath: Hindi yan. Wag ka mag-alala Isa, pagsasabihan ka lang naman tapos ayun lang. Alam mo naman magulang mo, push overs. O kaya, wag mo nalang ipakita! Ipeke mo nalang ung signature.
Isabel: HAHAHA! Oo nga. Hindi ko pwede itago e, hahanapin nila pagkauwi ko.
Patricia: Ganun? Eh di kung hindi ka pinayagan, tumakas ka! Problema ba yun? Ikaw naman may gusto hindi naman sila e. May karapatan kang gawin kung ano gusto mong gawin!
Isabel: Oo nga. Tama kayo. Sige, mamaya a? Excited na ko!
Kath: Oo oo, sa Ministop tayo magkikita ah? Tapos pupunta na tayo sa bahay ni Luis.
Isabel: Sige sige. Bye!
Kath: Bye Isa!
Patricia:Bye Isa!
SCENE 2: SAGUTAN
(dumating na sa bahay si Isabel)
(nagpPSP si Ian)
Ian: Oh Isabel-bel. Musta naman usapan niyo tungkol diyan sa itlog mong grade? (insert evil smirk here)
(inirapan ni Isabel si Ian at nanood ng TV sa sofa. Matapos ang ilang sandali, nakita siya ni Rowena at Danilo, ang kanyang magulang)
Rowena: Oh, Isa. Naandito ka na pala. Aalis lang kami ng daddy mo, may pupuntahan kaming company event. Oo nga pala, kamusta naman yung mga test mo?
(dumaan si Ian)
Ian: Ma, iirapan lang kayo niyan!
(tinignan ni Isabel si Ian ng masama at tumingin ulit sa magulang)
Isabel: Hn. Wala pa yung testpaper ko.
(tinignan ni Danilo ng mabuti ang anak at may nakitang nakalabas na papel malapit sa bag. Kinuha niya ang papel at ipinakita sa nanay habang galit na nakatingin sa anak.)