aphrodite's pov
last day ko na as a grade 11 student kasi starting bukas summer na kaya ayan kahit san ako tumingin may nagiiyakan jusko nagiiyakan at nagyayakapan pa sila e nagpaplastikan nga lang sila at isa pa masyado silang oa magkikita pa naman sila maiintindihan ko pa kung grumaduate na kami eh kaso hindi
"makapunta na nga lang sa rooftop mas tatahimik pa buhay ko dun"
sabi ko sa sarili ko at umakyat sa rooftop pagkatapos bumili ng sandwich sa cafeteria,I know nagtataka kayo kung bakit mag isa lang ako at wala akong kadramahan? psh no one will ever cry kasi maghihiwalay na kami yup i dont have any friends and YUP they all hate me because sa isang rumor na kumalat sa school may isa lang naman akong magaling na kaklaseng lalaki na nagkalat ng chismis nayun and after that they're avoiding me one by one alam niyo ba dahilan?
"aphrodite ikaw na bahalang magchop nitong chicken huh? Alis lang ako saglit tatawagin ko na sila para masimulan na natin yung lulutuin"sabi ni karen classmate ko
Ngumiti naman ako at nagnod as a respond
Habang nag hihiwa ako ng chicken di ko sinasadya na mahiwa yung daliri ko at malaki pa
"Ouch!" Sigaw ko at kapag minamalas ka nga talaga ang laki ng sugat kaya ayan tuloy tuloy lang siya sa pagdugo wala akong nagawa kundi sipsipin yung sugat ko yun kasi ang sabi sakin ni kuya zeus pag dumudugo daw sugat ko sipsipin ko agad yung dugo ewan ko kung anong nagagawa ng pagsipsip pero isa lang masasabi ko ang pangit ng lasa ng dugo
Nagulat naman ako ng may pumasok bigla at si jayson pala ayun mukang nagulat siya sa ginagawa ko
At mas nagulat pako ng ituro niya yung dugo sa kamay ko at sumigaw siya wait im sure i smile nakakatakot ba ako ngumiti?"BAMPIRA!! AHHHH SINIPSIP MO YUNG DUGO NG MANOK! AHHH!!"
Parang bakla naman itong nagsisigaw habang nadadapa pa na sinara ang pinto
"Problema ng bakla nayun? Tsk ang sakit talaga"
At dahil nga swerte ako ayun matapos ang insidente nayun nasagasaan si Jayson kaya ayun talagang inakala nila na bampira ako kasi daw sinumpa ko daw si Jayson Aba! Ginawa nadin nila akong mangkukulam! Tsk
simula nun wala ng kumausap sakin at ni tumingin sakin natatakot kasi sila na maybe isumpa ko daw din sila or maging bato daw sila hindi naman ako si medusa tsk and yup binubully din ako tsk wala namang kwenta yung plataporma ng mga tumatakbo na mga student council dito! hindi rin nila mapigilan yung mga nambubullyy para san pa yung plataporma nila na "no to bullying"
ako nga pala si aphrodite vladimir isa pa yang apelyido ko pang bampira talaga isa lang naman akong alagad ni yoon jeonghan na ibinababa dito sa lupa para magkalat ng kagandahan charot! isa lang naman akong god of love and beauty joke lang ulit ganun lang talaga pangalan ko and hahaha pati sila kuya well pano ko ba ieexplain yung sarili ko? plain daw ako sabi nila kuya hindi daw ako magaling magayos at lagi daw ako nakasimangot kaya mas lalo daw ako nagmumukang bampira i have 4 annoying brothers handsome as hell pero hindi parin nakakaligtas sa chismis na bampira din sila they are zeus,hades,ares and hermes yea i know i know yung mga name namin? unique diba? kinuha pa yan ng mga parents namin sa ibat ibang greek gods
may nagkalat pa nga na kaya daw gwapo sila kuya kasi nga daw mga bampira nakakatawa ang mga rumors na ikinakalat nila well since grade 8 pa nila ako pinagchichismisan nasanay na ako piling ko nga kpop star ako na kahit anong kilos ko eh pinapanood nila makoreaboo pako.
"teka anong oras naba? shoot! mag gagabi na pala! aish lagot ako nito kanila kuya!"sabi ko at mabilis na tumakbo pababa ng rooftop bawal kasi akong gabihin magagalit sakin sila kuya mahirap na nga kasi hindi ako pwedeng magpagala gala sa gabi kasi nga aakalain nila bampira ako.
YOU ARE READING
SUMMER LOVER
Teen Fiction"lord parang awa isang memorable na summer vacation lang"-aphrodite