The Journey --on going--

14 0 0
                                    

PANIMULA:

Ako ay naglalakbay. Nililibot ko ang buong mundo upang mahanap ang natatanging nilalang na makakapagbigay muli ng saya sa aming mahal na pinuno na si PrinceEdward Foister.

Ang nakaraan:

Si Prince Foister ay isang masaayahin na bata sa piling ng kanyang mga magulang. Palagi silang naglalaro ng kanyang ama. Bawat araw na puno ng saya at tawanan. Sila na ang tinaguriang perfect family ng kanilang bayan. Ang pamilyang Foister ay ang Royal Family ng kanilang bansa. Sila ang pinakamayamang pamilya sa buong mundo. 

Kahit maraming trabaho ang kanyang magulang ay naglalaan pa rin sila ng oras para sa kanilang kaisa-isang anak. Mahal na mahal nila si Foister. 

Ngunit may kinukubli na isang sikreto ang pamilyang Foister. Kung sa mundo ng mga tao, ang Foister ay ang pinakamayaman. Sa mundo naman ng mga immortal sila ang pinakamakapangyarihan. Taglay ng pamilyang Foister ang pambihirang lakas ng gold stone. 

Di alam ni Prince Foister ang tungkol dito. 

Sa araw ng ika-sampung taon ni Prince Foister ay nagkaroon ng pagdiriwang sa palasyo kanilang kaharian. Nagsasayawan, nagkakantahan, nagkakasiyahan, nagkakainan ng biglang natigil ang lahat sa pagbukas ng pintuan. Napatingin ang lahat ng mga tauhin sa loob ng palasyo sa dako ng pintuan. 

Pagtingin nila roon ay nakita nila ang isang matandang babae. 

"Oracle olinda" ang tugon ng hari na ama ni Prince Foister sa babaeng matanda na nakabungad sa trangkahan. 

"inyong pagpaumanhin Haring Fernando ang aking pagputol sa inyong kasiyahan, ngunit ako'y may nakitang pangitain na maaring magpapaguho sa sanlibutan ng mga mortal at immortal." Ang tugon ng orakulo. 

"kung inyong marapatin oracle olinda, maari ka bang makausap sa pribadong silid?" 

Humakbang ang hari papasok sa palasyo at sumunod din ang reyna at kasunod ang orakulo. Sa loob ng silid ay ipinagtapat ng orakulo ang lahat ng kanyang nakikita sa hinaharap. 

"hindi ito maari!" ang kinakabang tugon ng hari. 

"Dapat gumawa na ako ng paraan para maproteksyon ang lahat ng nilalang sa mundong ito at sa mundo ng mga immortal" Ang may determinasyong pahayag ng hari. 

Inakap siya ng kanyang Mahal na reyna. 

"mahal kong asawa, tutulong ako para masigurado ko ang kaligtasan ng ating anak"  

"Hindi maari mahal kong Franchesca, masyadong mapanganib ang iyong kahilinagan. Baka ika'y mapahamak lamang" ang pagsusumamo ng mahal na hari. 

"Ngunit di ko matatanggap kong ikaw ay mapahamak sa iyong pakikipagsapalaran. Nais kong tumulong aking mahal." Ang naiiyak na tugon ng reyna. Nag-isip ng ilang segundo ang mahal na hari. 

"kung iyan ang gusto mo, basta't wag ka lang lumayo sa aking tabi aking mahal" 

Hinagkan ng hari ang reyna sa kanyang labi.

Bumalik na sila sa lugar ng pinagdausan ng kaarawan ni prince Edward. 

"Pagpaumanhin ninyong lahat, ngunit ang pagdadaos ay tapos na. May nangyari lang na di maganda." Ang salaysay ng hari sa lahat ng panauhin. 

Nagsilabasan na ang mga tao. 

Sa paglabas ng mga tao'y naghanda na ang pamilyang Foister upang mapigilan ang darating na kapahamakan. 

"Mahal kong ina't ama. Saan kayo pupunta at naghahanda kayo?" ang tanong ng batang prinsipe. 

Hinawakan ng hari ang kanyang anak sa magkabilaang balikat. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Journey --on going--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon