Kath's POV
"Ate gising na." Naalimpungatan ako sa pang-gigising sakin ng kapatid ko.
"Kira, ano ba?" Nalilitong tanong ko, nasa kalagitnaan kasi ako ng panaginip.
"Ate Kath sabi mo gisingin kita ng maaga kasi maghahanap ka ng bagong trabaho." Sabi niya.
"Trabaho?" Napa-isip muna ako bago mag-unat.
OMG! Oo nga pala maghahanap ako nang bagong trabaho dahil natanggal ako sa dati kong trabaho. Hindi ko alam kung bakit pero sabi nila kailangan daw magbawas ng trabahador sa kumpanya.
"Kira bakit di mo sinabi kaagad?" Naiinis na sabi ko.
"Ate kanina pa kita ginigising, humihilik ka pa nga eh."
Hindi na ako sumagot at dali-daling naligo at nagbihis.
"Kira aalis na ko." Pagpapaalam ko.
"Ate ingat ka ha." Sabi niya habang nagsusuklay dahil naghahanda na rin siya sa pagpasok sa eskwelahan.
"Kira ito na pala ang baon niyo pagkasyahin niyo nalang yan ni Kenny."
"Pero ate baka magkulang ang pamasahe mo."
"Hindi na, maglalakad nalang muna ako papuntang sakayan." Sabi ko habang inaayos ang bag ko.
"Sige ate, wag kang mag-alala, pag naka graduate na kami ni Kenny, ikaw naman ang aalagaan namin." Ngumiti ako at yumakap sa kanya.
"Naiyak naman ako dun, ikaw talaga, sige na aalis na ko." Pagpapaalam ko.
Kung tinatanong niyo kung mahirap lang kami, hindi kayo nagkakamali. Namatay si nanay seven years ago at si tatay naman ay may iba ng pamilya.
Mahirap para sakin na tumayo bilang magulang sa mga kapatid ko. Minsan tinatanong ko ang diyos kng bakit ganito buhay namin. Minsan gusto ko nalang umiyak at sumuko ngunit hindi maaari, kailangan ko maging matatag para sa mga kapatid ko.
Si Kira at si Kenny ang kapatid ko.
'Sila ang buhay ko.'
Si Kira ay 4th year highschool samantalang si Kenny naman ay grade 6 pa lang. Sakitin si Kenny, nag-mana siya kay nanay. Ako ang nagsisikap para mapagamot ko siya, may sakit siya sa puso.
Tahimik lang si Kenny at puro basa lang ng libro. Hindi katulad ni Kira na madaldal at energetic.
Lahat ng mahihirap na trabaho nasubukan ko na, tulad ng labandera, janitress at yaya. Kulang na lang magtrabaho ako sa Club, pero di ko ginawa dahil iniingatan ko parin ang sarili ko, dahil naniniwala ako na may magliligtas sakin na Prince Charming.
BINABASA MO ANG
One Night with the Bachelor (PUBLISHED UNDER DREAME APP)
General FictionONE NIGHT WITH THE BACHELOR Hinalikan ko ang noo niya. "Hindi ko makakalimutan ang araw na ito." Bulong ko sa kanyang tenga. Alam kong hindi niya iyon maririnig dahil tulog na tulog siya, wala akong pinagsisisihan na sa kanya ko binigay ang ka-birh...