Chapter 25

1.4K 12 19
                                    

Elaine

Festival Week na! Ang bilis! Wala pa rin siya... malapit ng matapos ang isang buwan, pero wala pa ring sign na uuwi na siya...

Tambay ako ngayon sa booth namin, taga-bantay kasi ako sa labas ng booth. Mga tamad kasi yung ibang members eh! Tss. Wala pa si Cloud dito, nasan na ba yung lalaking yun? Nagpaalam lang mag-CR eh. Tagal niyang nag-CR ha, mag-iisang oras na kaya siyang wala -____-

"Elaine!!" hinanap ko yung sumigaw, nakita ko si Mich kasama si David, ngayon ko lang ulit sila nakita. Si Cloud na kasi ang lagi kong kasama.

"Ui! Long time no see ha! Anyare sa inyo?"

"Ikaw ang dapat namin tinatanong nyan! Kamusta ka naman? Sorry at hindi ka nga pala namin nakasama nung mga nakaraang araw... Medyo naging busy kasi kami para dito sa Festival Week." sabi ni Mich at hinug ako.

Ngumiti ako, "Ano ka ba, ayos lang yun. Hehe, try niyo dito sa horror house namin, maastigan kayo. Ako nag-design nung sa loob. Hahaha." pagmamayabang ko.

"Sige, sige. Ayos lang ba? Mamaya na lang ulit tayo magkita ha?"

I nodded in approval, may lumapit sa akin na lalaki at nakipagpalit. Mabuti naman at naisipan nilang palitan ako. Nakakapagod magbantay ng horror booth noh! Ang dami kasing nagtutulakan sa entrance, mga duwag. Parang ako, hindi e noh?

Naglakad lakad ako paikot sa school grounds, nagulat na lang ako ng nagposas sa kamay ko, sino 'to?!

"Huy, sino ka?! Tanggalin mo nga 'to!" pagrereklamo ko.

"You're under arrest, miss. We've received a complaint from a person saying that you've committed a great crime." dere-derechong sinabi nung lalaki.

Wala akong maalala na may ginawa akong krimen, anong pinagsasabi nito?!

"Huwat?! Wala akong ginagawang masama, what are you talking about?!" pagrereklamo kong muli.

"Sa presinto ka na lang po magpaliwanag." at hinila niya na ako. Nakarating kami sa isang silid, I guess eto ang sinasabi niyang 'presinto'. Teka.... Jail Booth?!

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon