CHAPTER THREE The City of Death

47 2 0
                                    

Sherlyn's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sherlyn's POV

"Dad malayo pa po ba tayo?" tanong ng nakababata kong kapatid na nuoy nagising na.

Pero bago naka sagot ang aming ama na nuoy naka focus sa pag mamaneho ay nag salita na ako.

"Why baby Miguelito excited ka na ba?" naka ngiti kong tanong sa kapatid kong edad pito.

Natawa nalang ako ng makita ang reaksyon nya. Naka simangot ito, at nanghahaba ang nguso. Pero kahit ganun pa man ang cute parin nyang tignan. Ayaw kasi nyang tinatawag syang baby at miguelito. Katwiran nya big boy na daw sya kaya Miguel nalang daw ang itawag sa kanya.

Pero aaminin ko, kahit ako excited rin. Fourteen years na mula ng lisanin naming ang San Gabriel at first time lang ni Miguel na maka punta dito dahil sa hindi ko na maalalang pangyayari.

Tinatanong ko nuon ang mga magulang ko kung anong dahilan bakit kailangan naming umalis. Pero, di nila ako sinasagot. Ang sabi lang nila kailangan kasi at nasa manila na raw ang trabaho ni daddy.

Tanging naaalala ko lang nuong bago kami umalis nag paalam pa ako sa aking mga kaibigan. Nag iiyakan kami nuon, I remember I was ten years old same with my friends. Iyak kami ng iyak nuon na tila ba huli na naming pag kikita.

"Daddy look!" naputol ang aking malalim na pag mumuni muni ng marinig ko ang tila takot na takot na boses ng kapatid ko.

Tinignan naman namin mula sa bintana ng sasakyan ang tinuturo ng kapatid ko. Pero wala kaming makita kundi kadiliman lang. Napaka dilim nga naman ng paligid ng mga oras na yun. Nasa liblib na lugar ang San Gabriel.

Kaya nga tinawag itong The Hidden City dahil sino bang mag aakala na sa likod ng nag tataasang bundok at magubat na kalsada ay tatahakin mo ang isang maunlad na bayan na daig pa ang maynila.

"Why you're so scared honey?" tanong naman ni mommy kay bunso na nuoy naka upo sa passenger seat katabi ni daddy.

Lulan kasi kami ng aming kulay pulang family van na kabibili lang last month. Oo, may kaya kami sa buhay. dahil dating nanungkulan ang aming ama sa San Gabriel bilang konsehal ng ilang taon bago ito naging bise at hangang naging ama ng bayang ito. He became the Mayor of San Gabriel for many decades.

Pero iniwan nya ito at nag resign dahil sa nangyari sa akin nuon. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa bayan. Di ko alam kung bakit ako nakaka-ramdam ng kaba at palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib.

Pakiramdam ko may masamang mangyayari. Pero huwag naman sana. Sana mali ang aking kutob.

"ok guys we're here-" si daddy na tila ba tuwang tuwa at hindi randam ang pagod sa pag mamaneho. Paano ba naman, tatlong araw ang naubos namin bago marating ang San Gabriel. Oo, ganun kalayo ang bayang ito mula maynila. Idagdag mo pa na kailangan naming mag stop over at matulog sa mga hotel na aming nadadaanan pag sapit ng gabi.

The Fallen Angel #Wattys2016Where stories live. Discover now