Chapter 32 pt. II (New Beginning)

225 14 9
                                    

Rain's POV

Tumakbo ako papuntang gymnasium. Wala pa rin pumapansin sa akin. Sino ba kasing pasimuno ng kalokohang 'to?! At sinong nag-isip na ilagay yung kahiya-hiya kong picture at ikalat sa buong campus? Mygoodness! Malaman ko lang talaga kung sinong nilalang ang may gawa non, hindi na siya sisikatan ng araw! 

Pagdating ko sa gym, walang tao. Walang tao? Wait, walang tao? Bakit walang tao? Nakapatay ang mga ilaw dito sa gym. Parang wala talagang tao. Akala ko ba may gathering? Bakit parang wala namang event na gaganapin dito? Ugh, baka niloloko lang ako ng message na 'yon! Aalis na nga ako. 

"Saan ka pupunta?" 

Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong boses. Bigla akong kinabahan. 

"Hey. Stop right there," 

Hindi ako pwedeng magkamali. Akala ko ba wala siya ngayon sa school? Eh bakit nandito siya ngayon sa gym? Alam kong siya 'to kaya naman lumingon ako,

"E-ethan?" sabi ko. 

Sinalubong niya ako nang isang sincere na ngiti. Para akong mababato sa kinatatayuan ko. Ibang-iba yung pakiramdam ko. Pakiramdam ko may bago sa pagkatao ko. Pakiramdam ko may something sa akin na unusual...something na nagsasabi ng totoong ako. Kung sino talaga ako..

"A-akala ko ba wala ka dito?" tanong ko sa kanya. 

Mga tatlong metro ang layo namin sa isa't isa. Hindi siya lumalapit sa akin, ganun din naman ako sa kanya. Bakit ganito? Kakaiba talaga ang pakiramdam ko. Sobrang kakaiba. Pakiramdam ko kilala ko na kung sino talaga ako. Hindi ko alam, ang gulo. Nung nakita ko ulit si Ethan, pakiramdam ko may something na bumalik sa pagkatao ko. Ano bang nangyayari sa 'kin?

"Kakarating ko lang dito," sabi niya. 



"G-ganun ba..bakit ka naman pumunta dito?" tanong ko. 



"Someone texted me na may importanteng gathering na gaganapin dito. Ikaw ba?" 

May nagtext din sa kanya? May nagtext din sa akin? Hindi kaya pinagtripan lang kaming dalawa ng mga tao dito? Bakit pa nila dinamay si Ethan? Baka mamaya busy yung tao tapos pinapunta pa nila dito. 



"Ganun din. May nagtext din sa akin with my picture. Nakakainis!" sabi ko sa kanya. 

"With your picture?" 

"Yes. Nakakahiyang picture. Anyways, wala naman atang tao dito. Alis na tayo" pag-aaya ko sa kanya. 



Hindi pa rin siya lumalapit sa akin. Bakit pakiramdam ko ayaw naman talaga niya ako makita? 



"Rain.." tawag niya sa akin. 

Mas lalo pa akong kinabahan sa bigla niyang pagtawag ng pangalan ko. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko ngayon kay Ethan. 



"A-ano 'yon?" kinakabahan kong tanong sa kanya. 



"Do you still remember the things I've told you?" 



"A-anong ibig mong sabihin?" 



"You know what I mean.." seryoso niyang sabi. 

My heart slightly skipped a beat. Oo, alam ko ang ibig niyang sabihin. Yung mga sinabi niya sa akin nung Youth Summit, alam kong 'yun ang tinutukoy niya. Bakit? Babawiin na naman ba niya? Please, Ethan...ayoko na masaktan. Oo, palagi kong iniisip mula noon na baka niloloko mo lang ulit ako pero syempre hindi nawawala sa akin yung tiwala na baka totoo nga yung mga sinabi mo sa akin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOU ARE MINE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon