Umalis na itong si Glemie maldita sa classroom namin dahil tapos na ang recess. Bigla kong naalala na halfday nga pala kami ngayon. After ng mga 2 ½ hours, naguwian na ang lahat at naiwan kami ni Raven at Aya dito sa school. May pinagkwentuhan kami tungkol kay Shakira, Glemie and Krystel and special mention to Jeff and James.
"Kilala niyo ba yung Jeff?" Panimulang tanong ni Aya.
"Yung EX ni Shakira?" Talagang may diin pa ang salitang "ex" dahil alam nito ni Raven na crush ko nga si Jeff.
"Ahh. Oo. Crush ko nga yun diba.!!!" Sagot ko sa tanong ni Aya.
Peeeeeeppppp.. Peeeeeppppppp.
"Nandiyan na service ko. Bye. Uwi na rin kayo." Pagpapaalam ni Raven sa amin.
"Aya, uwi na rin tayo." Pagyaya ko na rin kay Aya.
Umuwi na nga kami at paguwi ko ng bahay, may narinig akong sigaw.
"Asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm!!!!" Hindi ko maintindihan kasi English.
Chinat ko si Jeff para kamustahin siya. At thank God kasi online siya.
"Hi. Musta ka?" Chat ko sa kanya with matching blushed smiley emoji.
"..." May tatlong dot akong nakita so for sure hindi ako isiseen zoned nito.
"Mabuti naman. Kumain ka na ba?" Reply naman niya sa akin with matching wink emoji.
Yieeee. Kinikilig ako. Bat niya ako tinanong nang ganon? Yieeeeeeee. Ang sweeeeetttttt.
"Oo. Ikaw ba?" Reply ko sa kanya habang kinililig at for sure namumula na nang sobra ang aking mukha ngayon.
Jeff Ramos
Active 2min agoNag off na siya kaya pala hindi na ako nakakita ng tatlong dot. Habang offline siya pinaltan ko ang nickname niya sa messenger.
Gwapo Gwapo <3
Active 5mins agoYou set nickname for Jeff Ramos to Gwapo Gwapo <3. Set nickname
Pinaltan ko na ang nickname niya at sigurado ako na hindi naman magagalit yun. Alam ko na medyo masungit siya sa personal pero hindi naman sa chat.
