Kate Francisco.Isang tisay, American Navy ang Ama at Pilipina ang Ina. Pero hindi na niya nakilala ang Ama dahil bigla nalang itong naglaho. Nagpakasal ang Ina niya sa best friend nito at yun ang tumayong Ama sa kanya. Mapagmahal sa pamilya at gagawin ang lahat para maibigay ang kaligayahan sa mga magulang niya.
NBSB dahil hindi siya naaattract sa mga pinoy na manliligaw. Mas gusto niya ang ibang lahi lalong-lalo na kung gwapo😳😊..
Zikri Stelmakh.
Filipino-Malaysian. Isang Stelmakh, dala niya ang apelidong tanyag sa pagpapatakbo ng negosyo. Manager ng siya isang investment company. Kilala bilang arogante, seryoso, suplado at hard-hearted. Naassign siya sa Pilipinas para tulungang makabangon ang isang branch ng kompanya. Binigyan siya ng Ama ng isang taon para ibangon ang Stl Mc Investment na lumulubog na. Pumayag siya sa deal kapalit ang kalayaan sa sariling buhay dahil sa edad na 25, ang Ama parin niya ang nagdedesisyon para sa kanya, para daw iyon sa ikabubuti niya.
Makikilala niya si Kate, ang secretary niya. Dahil sa pagiging estrikto niya, marami siyang naririnig na usapang ayaw daw ng dalaga sa kanya at kung gumunaw man ang mundo at dalawa lamang silang matitira, hinding-hindi siya papatulan nito. Umiral ang kapilyohan sa isip ni Zikri, liligawan niya ito at ipapalunok sa dalaga ang lahat ng sinabi nito.
Biglang nagbago ang demonyo! Yun ang nasa isip ni Kate ng biglang maging sweet at bumait sa kanya si Zikri. Hatid-sundo siya nito at palagi itong may regalo. Matyaga ito sa panliligaw sa kanya at hindi niya maitatanggi na kinikilig siya sa mga ginagawa nito. Hindi na siya nagmaganda pa, isang linggong panliligaw lamang, sinagot na niya ang binata.
Pero isang kontrata ang penirmahan nilang dalawa. Dahil isang taon lamang si Zikri sa Pilipinas hanggang doon lang din dapat ang relasyon nila. Pagtapos ng isang taon ay uuwi din ito sa Malaysia at sa araw ding iyon ay tatapusin nila ang relasyon nila. Isang kasulatan na ginawa ni Kate para lamang sa experience at para limitahan ang sarili dahil alam niyang aalis din ang binata pagkatapos ng isang taon. Nang sa ganon ay pariho silang hindi masaktan dahil alam nila ang hangganan ng relasyon nila.
Sa paglipas ng mga araw at buwan, unti-unting nahulog ang puso niya sa lalaki. Paano nga bang hindi e halos perfect na ito. Lahat yata ng babaeng tulad niya ay ang lalaking tulad ni Zikri ang pinapangarap. At alam niyang mali ang nararamdaman niya. Kailangan niyang magfocus sa contract na pinermahan nila. Kailangan niyang turuang sumunod sa limitasyon ang puso niya.
Pero paano nga ba tuturoan ang puso na hindi mahalin ang taong mahal mo? Sasabihin mo ba sa kanya na naiinlove ka na at gusto mo ng kumalas sa kontrata? At paano kung dumating na ang araw ng paghihiwalay ninyo? Ang araw ng pag-alis ni Zikri. Kakayanin kaya niya?
YOU ARE READING
KATE: Your contractual Girlfriend
General FictionIsang tisay na gumawa ng kontrata para maging girl friend ng isang Filipino-Malaysian. 1 year contract of a relationship.