Beg for Love
Sowee's POV
10:30am.... Matagal-tagal pa bago matapos ang klase. Yun lang naman ang hinihintay ko eh. Sa ngayon mas gusto ko nang magtrabaho kaysa sa mag-aral.
Isang linggo na pala ang nakalilipas simula nang mabulgar ang katotohanan. Hindi ko talaga lubos akalain na may nangyaring ganun sa nakaraan. Ang tanga ko lang kung iisipin dahil mas naniwala ako sa sinabi ko na kinalimutan na kami ni Patrick. Na wala na kaming puwang sa puso nya. Sa totoo lang wala na naman talaga. Nawala na ang ala-ala nya, ang mga ala-ala nya sa nakaraan na binuo naming dalawa.
Buong akala ko, tama ang desisyon ko na umalis sa buhay nya at lumayo sa kanya. Kasi isa lang naman akong malaking sagabal sa buhay nya. Sino nga ba naman ako? Ang babaeng walang isip na nadisgrasya nya. Tapos bigla nalang pumasok sa buhay nung tao. How stupid am I? Hindi ko muna inisip kung anong mangyayari kapag lumapit ako sa kanya. Syempre, artista yun. What should I expect? Malamang sikat at mahal ng nakararami. Eh ako? Isang di hamak na estranghero na hindi naman kilala ng iba. Ang totoo nan, hindi ko naman talaga intensyon na habulin pa sya noon. Kaya lang naawa ako sa magiging anak namin dahil hindi ko sya kayang buhayin mag-isa. I never intended to get near him or to be close to him, pero hindi ko inakala na mamahalin ko pala sya.
Nakakatuwa lang isipin na minahal nya din pala ang isang katulad ko. Isang prinsipe ay nagmahal ng isang patatas. Hindi ko naman kasi alam na minahal nya pala ako. Ang alam ko lang ay nagkagusto sya sakin at naging girlfriend nya ako. Kung maaga ko lang nalaman, edi sana hindi na ako umalis. I should've stay and fight for him.
Kaya naman sa nangyari, wala akong ibang ginagawa kundi ang sisihin ang sarili ko. Ako ang puno't dulo ng nangyari. Kung hindi ako pumasok sa buhay nya noon, sana walang nangyaring ganito. Sana walang nangyaring gulo, sana hindi kami nasasaktan ng ganito. Sana hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi ngayon.
Maya't-maya ang pagtingin ko sa relo at sa bintana ng classroom. Napakabagal ng oras....
Sa kasagsagan ng pagtuturo ng instructor namin, biglang tumahimik ang klase. Ultimo instructor namin napatigil sa pagle-lecture. Lahat sila nakatingin sa labas. Hindi ko alam kung ano bang tinitingnan nila pero hindi na ako nakisama. Masyado na akong maraming isipin para pagtuunan ko pa ng pansin.
"Sowee," tawag sakin ni Yanna. Hindi ko ito pinapansin kasi akala ko wala namang kwenta yung sasabihin nya. Pero nang makailang kuhit na ito sa braso ko, tsaka ako napalingon sa kanya.
"Bakit ba, Yanna?" May pagkairita kong tanong ngunit hindi ito nagsalita imbis ay nakaturo sya sa labas sa may pinto ng classroom.
Sinundan ko iyon ng tingin at laking gulat ko sa nakita ko.
"Good morning. Pwede ko po bang mahiram si Ms. Villanueva sandali?" Tanong nito. Halos matulala ang mga tao sa buong classroom at hindi makapaniwala na nakikita nila ito ngayon.
"Ano nanamang kailangan nya?" Inis na bulong ni Yanna sa tabi ko.
"Ms. Villanueva," tinawag ako ng instructor namin at binigyan nya ako ng signal na sumama sa kanya. Halos lahat na yata ng atensyon nasa akin, nasa pagitan naming dalawa.
Hindi ko maiwasang mainis sa tuwing makikita ko sya. Kusang kumukulo ang dugo ko sa tuwing nararamdaman ko ang presenya nya. Akala ko ba tapos ang lahat? Pero ngayon nandito pa sya.
"Anong kailangan mo?" I coldly asked her.
"Can I talk to you?" Nakapagtatakang napakahinahon nya ngayon. Kung pagmamasdan mo pati yung mukha nya, mukha syang pagod na pagod. Hindi ko alam kung dulot lang ba ng trabaho yun o ano.