[10] Calvin Co

4.6K 84 1
                                    

Chiny's POV

Gago talaga yung lalaking yun! Badtrip! Hanggang sa cafeteria ba naman hindi niya ko tinantanan! Nakakainis! Bumalik na ko sa room namin. Classmate ko na naman siya. Bakit kasi block section yun kinuha ko! Nakakainis talaga! Panira siya ng araw! Pagkapasok, nakatingin na naman siya.

"Titingin tingin ka dyan!" Napakalakas nyang mangasar pero pikon rin naman!

"Hindi kita inaano ha! Feeling mo naman ikaw yun tinitingnan ko! Banlag kaya ako!" Aarrrrg! Pinapahiya ako nito!

"Whatever! Maging banlag ka na nga sana forever!" Badtrip talaga! Tapos katabi ko pa siya sa lahat ng subject since alphabetical ang arrangement. Ramos ako siya Ramirez. Diba! Nakakainis! Ramos ako katulad ni Rain kasi yun Daddy niya and yun daddy ko magkapatid so yun. Naglelesson kami dito ng bigla siyang nagtaas ng kamay niya.

"Ma'am! Sabi po ni Miss Ramos hindi daw po niya naiitindihan yun lessons niyo!" Ay sht! Terror pa naman itong prof nato! Impakto ka talaga Ramirez!

"WHAAAT?!" Intinding intindi ko kaya ang lessons niya at wala akong panahon para hindi intindihin ito kasi nga terror sya!

"Ma'am, wala po akong sinasabi. Infact ang sabi po ni Mr. Ramirez ang boring daw po ng subject niyo." Akala mo ha! Hahahahaha nakaganti din! I looked at him and smirked. I won.

"Ano Mr. Ramirez?! Boring?! Pwes lumabas ka!" Namumula sa galit ko yun prof ko. Hahahahaha gantihan lang yan.

"Ma'am wala po ak----" Wag ka nang magpaliwanag. Hindi ka mananalo sakin.

"I SAID GET OUT." Wala siyang nagawa kundi lumabas. Hahahaha! Natahimik din ang Math 36 class ko lol. Ang saya saya makinig nang walang istorbo.

Natapos na yung Math 36. Pagkalabas nung prof ko, pumasok na naman siya.
Hindi na ako nagulat nung sinabi niya..

"Gaganti ako sayo Ramos! Humanda ka sakin!" Lagi naman nyang sinasabi yan at sanay na ako. Wala namang nangyayari.

"Whatever." I laughed.

Jazrille's POV

Sht! Idiot nasaan ka! I need you now!

"Hindi mo ba ko narinig? Ang sabi ko leave my girl alone!" Sabi naman ng hayop nato! Oo. Si Calvin impakto nandito! Nagmamadali naman umalis yun lalaki sa harap ko. Ivan! Tinatawagan ko si Ivan, buti nasa speed dial ko siya. Nakita ko naman na sinagot na niya.

"Ano na namang kailangan mo, umalis ka sa harap ko." I kept my cool. Hindi ako nagpapahalata na naiiyak na. Na miss na miss ko na siya. I need to be strong.

"Hindi kita kayang pabayaan! Bakit ba kasi nagiisa kang pumunta dito sa cafeteria? Eh ang daming makakapal na mukha na engineering dito!" Wow. Ang kapal naman ng mukha nyang mag care.

"Ah, talaga? Kaya pala nandito ka rin. At ano naman ngayon sayo? Pwede ba umalis ka na naiinis akong nakikita ka dito." I kept my voice cold. No emotion. Wala syang karapatan na bigyan ng emosyon. He's stupid.

"Hindi ako aalis dito! Ikaw na nga tong niligtas, ikaw pa galit." Aba. Ang kapal ng mukha. Hindi na ako naiiyak. Nagsisimula na naman akong mainis at namumuo na naman ang galit sa akin.

"Hindi ko hiningi ang tulong mo kaya wala kang karapatang isumbat sakin lahat ng ginawa mo."

"Jaz, alam kong galit ka pa sakin per---" Wala syang karapatang magsalita. Hindi dapat sya binibigyan ng kahit anong pagkatataon!

"Alam mo naman pala eh, bakit ang kapal pa ng mukha mong kausapin ako?!" Ano bang ipinaglalaban nya? Matagal na kaming tapos.

"Ja--"

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon