Part 1

6 1 0
                                    


"The eyes are the mirror of the soul and reflect everything that seems to be hidden; and like a mirror, they also reflect the person looking into them."

―  Paulo Coelho, Manuscript Found in Accra


Sabi nila, sa mata mo daw makikita yung "inner" kumbaga ng tao. Eto ako ngayon, inaaliw yung sarili ko sa quotation ni Paulo :D Textmate kami nun eh, chos! Kinakabahan kasi ako. Nagaapply kasi ako na maging part ng mga writers sa University namin. Nasa freshman year palang ako. Balita ko kasi yung Editor-In-Chief nila yung magiinterview. Naku, ano kaya tatanungin nun? Pang Miss Universe kaya? Hahanda ko na ba ang sarili ko sa mga "mind bubbling" questions? :D Hahaha. Biro lang. Nga pala, daldal ako ng daldal sa inyo hindi pa ako nagpapakilala hahaha. Ako nga pala si Athena Cruz, 16 years old, BS Accountancy dito sa Wellington University :D Pang ibang bansa yung name no? Nako mga bes, sa pangalan lang yan. 

"Miss Athena Cruz?" Uy! pangalan ko yun ah!

"Yes?" sabi ko naman

"Ikaw na po next." sabi ni Kuya

"Ene be nemen yen, eke ne pele" hala, nagiibang lenggwahe na ako! Hahahaha


Naku, ako na pala mga Bes! kinakabahan ako. Balita ko kasi yung EIC, masungit eh pero gwapo daw eh kaso anong paki ko diba? Kung hindi naman kagandahan yung ugali, ano pang sense diba? 

Author: Hay nako Athena, kunwari ka pa gusto mo rin naman si EIC makita :D Hart Hart Hart <3


Hay nako Miss author, ene be nemen kenekeleg eke. Luh? Nagiibang salita nanaman aketch.


"Derek! asan na yung next? Ayoko na naghihitay ako!" Naku po! yun na ata si Sir EIC! Ang daldal mo naman kasi Athena

"Ms.Athena Cruz!" nako tinatawag na ako nung assistant nitong EIC.


"Andito na po." sabi ko


"Sir Jared, eto na po siya." This is the moment of truth! Yakang yaka mo yan Athena! Passion mo yan kaya ipaglaban mo yan! 


Hala teka, bakit ganito siya makatitig? Siguro na amaze sa kagandahan ko. Hahaha. Joke lang guys, saktong kagandahan lang ako.


"Miss Athena Cruz?" Uy! ako yun. Ayy malamang naman Athena diba, dalawa lang kayo sa office.


"Miss Athena Cruz? Please take a sit." Ay uupo? Ayy sige gusto ko yan :D


"Miss Athena...Cruz?" So bakit may natigilan siya magsalita? Mahirap ba sabihin ng buo with apelyido yung pangalan ko? Nagawa niya naman kanina ah? Hahaha. Masama na ba ako guys? Char! Na weirdohan lang ako sa kaniya. Paulit ulit? 


"Sir may tanong lang po ako, bakit po ganiyan po kayo makatingin? May dumi po ba ako sa mukha o masyado lang po kayong NAGAGANDAHAN sa akin?" Inemphasize ko talaga yung "NAGAGANDAHAN" hahaha.


Natawa siya ng onti sabay sabing...


"Hindi mo ba ako... naalala?" Luh? Ngayon ko lang siya nakita eh.


"Hindi po Sir eh. Bakit po?" Tinitigan ko si Sir, ay totoo nga, gwapo nga. 

Noo. Focus Athena.


"So you are applying na maging writer sa poetry section namin?" tanong niya.


"Opo, Sir." sabi ko.


"Sige since naman na kulang kami, tanggap ka na.." Woah! tanggap na ako! 


"Thank you! Thank You po Sir! Pagpalain nawa kayo!" muntik ko na siyang mayakap. Nakakahiya.


"Our meeting will start Friday next week. Be on time, ayaw ko ng late." Ay strict si Sir.


"Opo!" with salute pa ako sa kaniya.


Nakatingin pa rin siya sa akin. Anong problema nito, hindi ngumingiti. May something sa mata niya, kaso... hindi ko madistingusih eh. Nevermind na nga. Ang mahalaga, natanggap ako, woah!


And after that incindent, things will never be the same again...


MemoriesWhere stories live. Discover now