BTG 18: Aki's makeover

13.6K 342 1
                                    


[Keallyn's POV]

Today is the start of Akihiro and Knite's Training but before that pumunta muna kami sa pinakamalapit na mall, Para bilhan ng 'matinong' damit at contact lens si Aki.

"Anong una nating bibilhin malady?" magalang na tanong ni Knite.

"hmm contact lens para kay Aki" sabi ko habang nagtitingin sa mga botique.

"H.ha? Kahit wag na Ke-malady, ayos na ako sa salamin ko"

Tinitigan ko ng masama si Aki, sheez muntik na siyang madulas sa pangalan ko. "Seriously, okay ka na dyan?"

"o...oo sanay ako dito"

sanay huh?

I smirked. sinenyasan ko si Knite. Walang anu- ano'y kinuha niya ang salamin ni Aki at tinapakan ito. Good keeper, madaling makakuha ng instruction ko.

"B..bakit mo ginawa yun Knite!" sigaw ni Aki.

"Utos ko yan tsk, magiging sagabal lang yang salamin mo sa training"

tumingin sakin si Aki "Pano yan? wala na akong gagamitin? Di pa naman ako masyadong nakakakita pag wala yun!"

"Stupid, kaya nga bibili tayo ng contact lens diba?"

Pumasok na kami sa Clinic ng opthalmologist dito sa mall. Napafrown ako nang manlaki ang mata ng babae sa front desk habang nakatingin kay Knite. Dali dali siyang tumayo.

"S..sir Knite! G..good morning po sir"  Nakangiting tumango lang si Knite sa kanya.

"Kilala mo siya?" tanong ko, mukhang regular customer ata dito.

"Opo naman ma'am, siya po ang may-ari ng mall na'to"

ahhh may-ari lang pala ng mall.

Teka...

"May-ari?!" shocks, kaya pala pagpasok palang namin sa mall pinagtitinginan na kami ng mga guard at saleslady.

Natawa si Knite sa Reaksyon ko."Sorry malady di ko nasabi, anyway miss magpapagawa sana kami ng contact lens para sa kanya" sabay turo kay Aki

Ako lang ba to o talagang nagbabablush yung babae?

Oh well di na nakakapagtaka, may itsura naman kase si Knite.
He has a charm na kayang magpakilig sa kababaihan, well except me.

"Okay po sir" sabay hawi sa buhok niya.

then pinasok na niya kami sa loob ng clinic nila. Sinukatan niya si Aki, buti ay may stock sila ng kasukat sa kanya kaya madali kaming natapos.

Nag-thumbs up lang ako kay Aki, Ngayon ko lang napagmasdan maiigi ang mukha niya ng walang salamin. Aaminin ko may itsura pala siya. Yung brace, buhok at damit na lang ang kulang magiging kapantay na niya si Knite, o baka mahigitan pa niya.

"Next damit naman" tumingin ako kay Knite "Since ikaw ang mayari ng mall na to, ikaw ang mamili kung saan ang magandang botique"

"As you wish malady,"

Sinundan namin siya
at dinala niya kami sa isang malaking store na puro panlalaki ang damit.

Sinalubong kami ng isang morenong at di katangkarang lalaki. Okay na sana yung look kaso may pink na scarf ang nakapulupot sa leeg niya.

Ewan pero bigla agad akong nainis sa presensya niya.

"Sir Knite!" malanding sigaw nito. tsk Ang tinis ng boses, ang sakit sa tenga.

Yayakap sana siya kay Knite pero agad siya nitong tinulak at tinap na lang sa balikat "Bubbles!" may halong pagbabanta sa boses ni Knite.

"ay! sorry na sir" nagpeace sign ito at tumingin sa gawi namin especially sa'kin "Oww mukhang lumalove life ka na sir ha di mo man lang ako nainform, infairness pangdyosa ang kagandahan ni maam!"

Nagcross arm ako at tinaasan siya ng kilay "Excuse me?"

"taray mo girl bakit hindi ba? abat choosy ka pa ha? Si Knite Abueva na yan girl!"

Napafacepalm si Knite, "Bubbles! Di ko siya girlfriend okay? Stop talking about nonsense thing. Nandito kami para sana bilhan siya ng damit" Sabay turo kay Aki.

Pinasadahan niya ng tingin si Aki mula ulo hanggang paa. "oh my jukabells! ansakit sa mata ng outfit mo! pati yang hairstyle mo ghad! parang kalsada lang sa pagkakahati"

Nahihiyang napakamot lang si Aki samantalang si Knite halatang nagpipigil ng tawa. miski ako ganoon rin, seriously kalsada talaga?

"Gosh! mukhang may itsura ka pa naman! Kailangan mo nang makeover" hinawakan niya si Aki sa kamay "Ako nang bahala sa kanya sir Knite, gagamitin ko kang ang powers ko sa kanya" nagwink siya sa'min sabay hatak kay Aki papuntang fitting room.

Nangnod lang si Knite sa kanya.

"Goodluck sa powers mo" bulong ko.

"Trust Bubbles malady, 5 years ko na siyang stylist kaya alam kong sisiw lang sa kanyang baguhin ang lampang yon"

Nagrindi ang tenga ko nang tinawag nanaman niyang lampa si Aki. "Ilan beses ko bang sasabihin na wag na wag mo siyang tatawaging lampa"

Mukhang natakot siya sa sinabi ko "S..sorry malady nakasanayan lang"

"Nakasanayan? Hindi ba magpinsan kayo? Tell me bakit parang anlaki ng galit mo sa kanya? Nung isang araw pa kita napapansin Knite"

"Sabihin na lang nating, nang dahil sa pagiging duwag at lampa niya may taong nawala sa'kin" 

Mapakla siyang napangiti but i see pain through his eye.

May taong nawala? Ganoon siguro kaimportante ang taong 'yun para maging ganito si Knite.

Gusto ko pang magtanong pero baka mapaghalataan ni Knite na masyado akong curious sa kanila.

Binalot kami ng katahimikan, pansin ko ang pagbabago ng mood niya.

Nabasag lang ang katahimikan ng lumabas si Bubbles sa dressing at nagtitiling lumapit sa'min. "Kyaah o em gee, sir Knite! ma'am! Ang papables pala ng kasama niyo. Onting ayos lang ang ginawa ko sa kanya, nagmukha na siyang Japanese model" tili nito gamit ang matinis at nakakainis na boses.

"He is my cousin, thats why" pagmamayabang ni Knite.

"Whaat?! Cousin mo yung Papables na yun sir. Kaloka bakit di mo siya pinakilala sa'kin dati? Di sana Jowakell ko na siya ngayon. Dream guy ko pa naman ang lalaking mukhang japanese model!"

Suddenly i felt excitement dahil sa sinabi niya. Seriously from nerd into Japanese model? Ganon ba kalaki ang pinagbago niya.

"Okay, bago muna ako humarot introduce ko muna sa inyo ang creation ko. Lets Welcome! ang bagong Akihiro Aruta 0.2!"

Parang nagslowmo ang mundo ko nang lumabas na siya sa kulay black na curtain.

Shit, si Aki ba yan?

Hindi ko na makita ang dating nerd na Aki.

Ang dating nakabagsak niyang buhok ay maayos at may style na nakatayo . At dahil wala nang salamin, mas lalong umangat ang pagiging makisig niya. Tama nga si Bubbles mukha siyang Japanese model, maayos niyang nadala ang white v-neck at pants na suot niya.

"Close your mouth dear"

Sa sobrang pagkamangha, di ko manlang namalayan na nakanganga na pala ako sa kanya.

"A..ayos ba?" nahihiyang tanong ni Aki. Sabay pinasadahan ng tingin ang sarili.

Ngumiti ako at nag- thumbs up sa kanya "ayos na ayos"

"T..talaga?" manghang tanong niya.

"Oo papa! pak na pak ang kagwapuhan mo!" singit naman ni bakla.

"T..thank you bubble, sa..sayo din malady thank you. Kung di dahil sa'yo di ako magiging ganito hehe"

Nagnod lang ako.

oh don't be thankfull Aki, dahil first step pa lang yan ng pagbabago mo

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon