Chapter 11

Awa ng Diyos, matapos ng mahigit labindalawang oras na tulog, tuluyan ng nawala ang lagnat ko. Kahit na hirap akong bumangon, pinilit ko para lang makakain at makainom ng gamot sa oras gaya ng sabi ni Doc Zeus. Mahalaga sa akin ang bawat araw sa trabaho kaya hindi ako pwedeng magkasakit ng matagal. Inihatid na rin dito ang sasakyan ko kaya hindi ko na kailangang magcommute papuntang trabaho. Mukhang maganda ang simula ng araw ko dahil kahit na Lunes, ay hindi ako naipit sa traffic.

"Goodmorning Ma'am." Sabay-sabay na bati sa akin ng mga empleyado ko. Maging pati sila ay magaganda ang gising. "Ma'am, October na po." Ah, kaya naman pala. Mukhang magpaparinig na ang mga ito ah. Napagusapan kasi namin noon na magkakaroon kami ng team building para na rin mapahinga ang lahat at makapagbonding kami. Deserve naman nila ito dahil naging maganda ang taong ito para sa simula ng munti kong business. "Nagresearch na kami ng mga resorts at beaches na pwede nating puntahan." Sabi ni Shane.

"Ako rin Ma'am. Heto po ang printouts ng mga activitessa Batangas at La Union. Maganda raw talaga ang waves ng La Union. Perfect for surfing." Si Desiree, or Desmond sa totoong buhay. Ang baklang coordinator namin.

"Baler na lang." Si Winona, taga gawa naman ng mga invites at layouts. More on sa media siya.

"Tagaytay na lang. Ber na, ngayon n'yo pa naisipang magswimming." Kontra naman ni Ado.

"Okay, ilagay n'yo na langsa table ko ang lahat ng mga iyan at irereview ko mamaya." I started the coffee machine before heading to my office.

"Goodmorning."

"Ay kabute." Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Nakalimutan kong may isa pa nga pala kaming empleyado. "Goodmoring. K-Kanina ka pa?"

"Yes. Malapit na akong matapos mag-ayos dito. wala naman akong masyadong gamit na kailangan." Inilibot ko ang paningin ko sa buong opisina. Una mong makikita pagpasok ang table ko, ang sa kaniya naman ay nasa kanang bahagi pagpasok mo. Walang division sa pagitan namin kaya bahala na si Lord sa magiging set-up namin.

Tahimik lang akong nagreview ng mga emails. Mamayang hapon, kailangan kong pumunta sa opisina namin sa Makati para naman sa meeting. Monthly meeting lang naman iyon, at para na rin ma-meet ang sinasabi ni Gab na bagong arkitektong tatapos ng renovations. Maya-maya ay kumatok si Olga para ihatid ang nakalimutan kong kape.

"Ma'am, heto na po pala ang recommendations nila."

Naiiling kong tinanaw ang folder. "Mga ayaw talaga paawat, no."

"Kung ang pagbili ng swimsuits at bagong eyewear ay hindi pa pagiging excited, ewan ko na lang kila Desiree." Talaga nga naman. "Kung pwede nga lang na ngayon mismo magdesisyon ka na. Nagpupustahan na sila kung kaninong proposal ang maapprove."

"At ano naman ang nakapusta?" I scanned the proposal, and saw that most of them are beaches. Matitibay ba ang mga baga ng mga ito para kayanin ang malamig na weather. Makapagtwo piece lang talaga sila, kakayanin kahit ang malamig na panahon.

"To be announced pa raw."

"What's up?" Singit ni Zeus. Tumabi siya sa likod ko at saka ako ikinulong sa magkabila niyang bisig. Not what you're thinking. He was leaning on my table from behind me while looking at the papers in my hand. "Is it a getaway wedding?"

"Hindi. Team building natin." Sagot naman ni Olga.

"Really? You have that here? I've never been to any team building before."

Misery loves companyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon