Ikaw at ako, Tayo.
Hindi sila, Hindi kami, Hindi kayo
Kun'di, tayo.
Ang sarap pakinggan, 'di ba?
Tayo, tayo na pinagtagpo.
Tayo na tinadhana.
Tayo na noo'y panaginip lamang.
Tayo na nagmahal.
Tayo na sumugal.
Tayo.. Tayo na humiling sa mga nahuhulog na bituin.
Tayo na nangarap.
Tayo na lumaban.
Tayo na kumapit.
Tayo na masaya.
Tayo na iisa.
Pero, ayan ang tayo NOON..
Noong mga panahong wala pang bumibitaw.
Iba na ang tayo ngayon;
Tayo na pinagtagpo,
Pero napaglaruan lang pala ng tadhana.
Tayo na naging isang masamang panaginip.
Tayo na mali ang isinugal.
Tayo na nasaktan.
Tayo na binigo ng mga bituin.
Ikaw na bumitaw.
Ako na natalo.
Wala nang saya.
Wala na..
Wala nang tayo..
BINABASA MO ANG
Poems, Poetry and Whatever
PoetryI'm not good at writing, but let me try. Gusto ko lang maglabas lang feels. :)