Chapter 18 xD

27 2 0
                                    

=Lexie's Pov=

"Uy.! Best friend ano na.? Na-sink in na ba ng utak mo na, kasama ka sa play. At, ikaw pa yung prinsesa.?" Napatingin agad ako kay Jenny pagkasabi niya nun. Bwiset tong babaeng to, nang-aasar pa.

"Wahaha. Ang sungit na agad ng itsura mo.! Eh kasi naman, kahapon, hindi mo pa tanggap talaga. Tinatanong ko lang naman kung okay na ba sa iyo.?" si Jenny ulit. 

"Psh, wala na kong magagawa diyan. Eh, malay mo ba kung grades din pala yun.? Aatras pa ba ako.? Tsaka, wag mo na ngang paalala. Tsk." malungkot na naiinis kong sabi kay Jenny.

"Tsk. Ahaha, don't worry. Bawing-bawi ka din naman eh." sabi ni Jenny. Huh.? Anong bawing-bawi.?

"What do you mean.?" nagtataka kong tanong sakanya.

Biglang nag-istop si Jenny sa paglalakad tapos pumuntang unahan ko. Tapos, hinawakan pa yung dalawang braso ko. Nababaliw na to si Jenny. -___-

"Bhe, yung totoo. Nakainom ka ng gamot o hinde.?" seryoso ko pa talagang tanong yan kay Jenny. Wahaha para kasing baliw. Tapos tignan mo to, kung makangiti abot langit. Nasa jupiter na nga ata eh.

"Bhe, kasama si Kyle sa play.!" sabi sakin ni Jenny na super excited ang tono. Oh, my gee. Is this true.?! Waaaaaaaah.!!! :))))

"Bhe, sure ka.?!" tanong ko pa ulit kay Jenny. Waaaah.!! Kenekeleg na naman ako.! Hihi.

"Oo bhe, sure na sure. Narinig ko kasi yan, somewhere there, over the rainbow." sabi sakin ni Jenny. Tapos tumabi na ulit siya sakin tsaka nagsimula na ulit kaming maglakad.

Speechless na ko promise.! Ano kayang role niya.? Haaaay, sana siya nalang yung Prince. Hehe, edi sana. Hindi na ako nagmamaktol dito. :))

"Diba, sabi sa iyo eh. Bawing-bawi ka. Wahaha kaya naman, wag ka nang umarte diyan. Okay.? Ay, oo nga pala. Pero, hindi ko pa rin alam role ni Kyle din eh. Basta ang sure ako, kasali siya sa play. Bhe, oh my gee. Sulit ang practice mo araw-araw.! Wahaha" pagkasabi sakin nun ni Jenny, bigla nalang akong siniko. Pero yung mahina lang. With matching ngiting abot langit at taas baba ng kilay. Wahaha sana mag-practice na.! :))

Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko na sabihin. Habang nag-uusap nga pala kami ni Jenny ay, naglalakad na kami papuntang room. At ngayon eh, nasa room na kami. 

Malapit palang ako sa upuan ko. Nakita ko na yung dalawa kong katabi. Wow, aga nila ah. Astig.!

"Good morning Kyle." sabi ko kay Kyle nung napadaan ako sa upuan niya para makaupo na rin ako. 

"Good morning din.!" sabi ni Kyle, with matching smile na nakakatunaw. Haaaay, gwapo niya talaga kahit kailan. Hihi. :))

Pagkalingon ko naman sa right side ko. -___- Naging ganyan na yung itsura ko. Wahaha di ko na panga talaga alam kung bakit ang init ng dugo ko sa lalaking to. Kada makikita ko siya, lagi nalang akong nakabusangot. Well, bahala na siya diyan. Wahaha.

"Tignan mo to, ang aga-aga, nakasimangot." pagkaharap ko sa unahan. Narinig ko naman si Curt na nagsalita. Mahina lang niyang sabi yan, pero narinig ko naman.! Psh, ang baliw neto.!

"Ano.? May sinasabi ka.?" sabi ko nalang sakanya. Buti nga di ko agad siya sinagot eh.! Nasira pa image ko kay Kyle..! Ay shems, oo nga pala. Katabi ko si Curt pati si Kyle.! Pano na yan.? Baka di ko makontrol yung sarili ko na hindi awayin si Curt.! Baka ma-turn off si Kyle sakin kasi napaka-sungit kong tao.! Psh, ang laki ng prblema ko hah.

Pinilit kong maging wag high blood kay Curt. Inhale, exhale. Haaaay. *Smile* Yup, nag smile nalang ako kay Curt para mawala yung inis ko. Tsaka ko siya tinalikuran ulit tapos humarap na sa unahan. Pero bago ako tumingin sa unahan, tumingin muna ako kay Kyle. Wahaha pangpawala ng bad vibes. Nag-smile ako sakanya tapos nag smile back siya sakin. Hihi. ^^

Enemies Turned Into LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon