Sweet Gestures. Rebound

1.1K 33 4
                                    

Lexie POV
"Lexieee!!!! Bilisan mo na anak! Nandito na si Xcy." Agad akong humarap sa full lenght size mirror ko at tinignan ang itsura ko.

Ngumiti naman ako sa salamin at kinuha na ang bag ko at bumaba na. Nakita ko naman si Xcy, kaya naman lumapit na ako sa kanya.

"Goodmorning Babe." Pagbati ko sa kanya. Hinalikan naman nya ako sa pisnge at binigyan ng bulaklak. "Salamat." Maikling sambitla ko at nagpaalam na kami.

Magde-date daw kami ngayon sabi ni Xcy.

Kaya naman dinala na nya ako sa harap ng kotse nya, pinagbuksan ng pinto at nagpasalamat ako sa kanya.

Sana maging masaya ang araw ko ngayon.

Xcy POV
Hindi ko na talaga alam, pero isa lang ang masasabi ko. Mahal ko si Lexie and I'm willing to do anything for her.

Nagmaneho ako papuntang beach. Pinalagyan ko siya ng blindfold para di nya talaga kita ang pupuntahan namin.

"Baby, San ba talaga tayo magde-date?" Nakangiti nyang tanong. Sakto namang sembreak na namin. Kaya ipinagpaalam ko si Lexie sa Magulang nya kung pwede ko siyang makasama ng 5 days only.

Pumayag naman anv mga magulang ni Lexie dahil may tiwala sila sa akin. Pumayag naman din ako na seperate  bed kami, hindi seperate room.

Ipinarada ko na ang kotse ko at bumaba na kami. "Hmmm...ang sarap naman lasapin ang hangin dito." Hinawakan ko ang kamay nya at pumunta na kami sa cottage namin.

Sa loob non ay may dalawang bedrooms. Malaki ang respeto ko kay Lexie kaya wala akong balak...gawan siya ng masama.

"Sige, magpahinga ka muna. Saka tayo maglilibot dito." Nakangiti kong sabi sa kanya at inayos ang gamit namin. Dumiretso naman ako ng Banyo at Naligo ako.

Pagkatapos non ay nagbihis ako ng simpleng Fitted White Shirt at isang ripped jeans. Lumabas na rin ako ng banyo.

Sukbit ang twalya sa balikat ko at pinunasan ko ang buhok ko. "Baby, Maliligo lang din ako, hintayin mo ako ah?" Tumango naman ako at naupo sa kama.

Pumasok na siya sa banyo at narinig ko na ang pagdagsa ng tubig.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay lumabas na si Lexie, suot ang isang T-shirt na may tatak na swag at isang ripped jeans.

Naupo siya sa upuan katapat sa salamin. "Erghh...Xcy? Paano gamitin ang blow dryer netoh?" Nakangiting tanong nya sa akin kaya naman napailing nalang ako.

Ang cute nyang tignan. Isang simpleng babae pero hindi sanay gumamit ng blow dryer. Nilapitan ko naman siya at ako na mismo ang nagblow dry ng buhok nya.

"Xcy...san ba tayo pupunta?" Pagtataka naman nya. "Kakain tayo sa pinakamasarap na seafood resto dito." Nagningning naman ang mga Mata nya. Paborito kasi nya ang mga inihaw na isda.

"Really!? Thank You! Thank You!!!!" Sabay yakap nya sa akin ng mahigpit at ganun na rin ang ginawa ko.

"Baby...salamat sa pagiging rebound boyfriend ko..." May binulong pa siya pero hindi ko iyon narinig.

"Wala yon...para saan pa ako kung hindi kita tutulungan?" Ayokong sabihin na mahal ko siya...si Jamilah lang talaga dapat ang laman ng puso ko.

Naglagay lang ako ng konting pabango, nagsuot ng sapatos at kinuha ang Salamin ko.

"Okay! Ready na ako. Ano itsura ko?" Bagay na Bagay lang sa kanya ang T-shirt nya at ripped jeans, samahan mi pa ng naka twist braid ang kanyang buhok at may purse na kulay black na nakasukbit sa kaliwang balikat nya.

"Napakaganda naman ng Baby ko. Pa-hug nga." Lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng gigil na yakap.

Piningot ko naman ang Ilong nya. "Naughty...Tara na nga, alam kong gutom na yang alaga mo." Matawa tawa kong sabi pero nag-pout lang siya..

Campus NERD Turns Into A Campus HEARTHROB (KATHNIEL FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon