ELLAs POV
“Ella, Nakilala mo na yung bago?” utas ni sally sakin. Isa sa ka-group ko sa dance troupe.
“Bago?” tanung ko pabalik.
Pinitik nya ung buhok nya tapos umupo sa harapan ko. “May bagong recruit sa grupo, si Jhudie.” Saad nya.
Kumunot ang noo ko, Si jhudie. Leader ng chearing squad. Bakit sya sasali sa dance troupe? “Kasali na sya satin?”
“oo, kaya nag-quit na sya sa cheering squad. Hay naku! Forever maarte pa naman yun! Tingin mo, bakit naman kaya sya sasali satin?”
Napaisip ako. “Tanggap na sya agad?”
“oo! Wala manlang audition! Porket maganda tsaka maganda din ang katawan tulad natin! Ewan ko kung magaling ba sumayaw ng ibang genre un baka naman puro pang-cheering lang?”
Si Jhudie, Leader ng cheering squad dito sa school. Maganda sya aminado ako, Madaming nagkakagusto sa kanya, Magaling din sya sumayaw. Ilang beses ko na syang nakitang nagpeperform. Dati, binalak ko ding mag-audition sa cheering squad pero umayaw din ako dahil hindi ko sila feel lahat. Ewan ko kung bakit, samantalang hindi ko pa naman sila nakikilala ng mabuti, Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit sya sasali samin?
Nang magbell na ay dali-dali ko ng inayos ang gamit ko para pumunta sa AVR para sa practice, Habang naglalakad ako ay nakayuko ako habang hinahalungkat ang bag ko para hanapin ang cellphone ko, itetext ko si chris na malalate ako ng uwi, Hindi sya pumasok ngaun dahil ayaw payagan ni brian ang lola nyo! May sakit kasi eh.
Napangiti ako ng makapa ko na ang cellphone ko, magcocompose na sana ako ng message para kay chris ng mabunggo ko ang kung sino, nabunggo ang sa dibdib nya. Nanlaki ang mata kong marealized na nakayakap na pala ako sa kanya. Agad kong itinaas ang tingin ko at nakita ang gwapong mukha ni jeff na nakangise sakin.
“Jeff..”utas ko. Kumunot bigla ang noo nya.
“Cellphone na naman?” tanung nya.
Ngumuso ako. “Anung problema mo sa pagcecellphone ko?” tanung ko. Umisnab sya sakin tapos kinuha ang kamay ko. “Baka si David na naman ang katext mo.” Saad nya bago ako hinila.
“David na naman? Ang tagal na yun.. teka, hoy! May praktis ako.” Saad ko tapos pilit na hinihila ang kamay ko sa kamay nya. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante dito sa corridor oh my gosh!
“sila ba?”
“nakakainggit naman si ella!”
“bagay naman sila ahh.”
“yan pala ang babae ni jeff ngaun? Ilang araw kaya..”
Kumunot ang noo ko sa huli kong nadinig, Huminto ako sa paglalakad tapos binawi ang kamay ko sa kanya, Nagulat ata sya sa inasal ko kaya nakakunot-noo nya akong nilingon.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
HumorSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...