An Imaginary Love Story(One-shot)

71 3 0
                                    

A/N Unedited, tinatamad ako. Lol.

AN IMAGINARY LOVE STORY.

Frappella ©

Dear Keith,

     Isang araw, nagkatitigan tayo. Ngumiti ka sa akin. May electricity akong naramdaman. Bumilis ‘yung heartbeats ko. Hala, ikaw na ba ‘yung mahal ng heart ko? Hindi naman siguro ‘no?

     Tuwing nakakausap kita, ang saya saya ko, nabubuo ang araw ko. Hindi tayo close, sa Twitter lang kami nakakapag-usap about deep topics. Kuntento na ako dun, at least alam ko na alam mong nag-e-exist ako.

     Nang magalaon, naging close tayo. ‘Pag naging close mo daw ‘yung crush mo, may dalawang pwedeng mangyari, mawala ‘yung feelings mo or mas lalo pang tumindi ‘yung feelings mo sa kanya to the point na unknowingly, mahal mo na pala siya. At nangyari sa akin ‘yung pangalawa.

     Isang araw nasa playground ako, umiiyak.Namatay kasi si Tris sa Allegiant. Then, unexpectedly dumating ka, nag-abot ka ng panyo sa akin, at nakipag-usap. Simula noon, naging best friends tayo, lagi tayong magkasama. Ang saya saya ko kapag kasama kita. Lagi kaming pumupunta sa park. Nagpi-picnic. Nagb-bonding. Sabi nila bagay daw kami. At syempre, todo deny kami dun saying, “We’re just friends, ano ba kayo? Masyado kayong ma-intriga.”

     Umabot pa ‘yung friendship natin sa point na naghoholding hands tayo and other sweet stuffs na ginagawa ng couples pero hindi ‘yung kissing and other stuffs beyond that, alam natin ang mga limitations.

     Naalala ko nung 18th birthday ko, hinding hindi ko makakalimutan. Ikaw ‘yung naging escort ko. Binigyan mo ako ng flowers at isang malaking-malaking teddy bear sa harap ng maraming tao. At hindi pa dun nagtatapos, hinalikan mo ako…sa cheeks nga lang, pero okay na ‘yun. At least ginawa mo ‘yun sa harap ng maraming tao, ibig sabihin, hindi ka nahihiya na mahal mo ako. O mahal mo ba talaga ako?

     Summer. Bago tayo mag-college. Nakapagkasunduan nating magkaroon ng outing sa Boracay. Kinagabihan, uminom tayo ng alcoholic drinks. At doon…umamin ako. Sabi ko “I love you.” Sabi mo, “I love you, too.”. Nagliwanag ang mata ko nun. Sabi ko sa sarili ko, “Yes, mahal ako ng taong mahal ko.”

     College na tayo, hindi pa rin nagbabago ang love ko para sa’yo. I guess this is true love. Nagtataka nga ako kung bakit hindi mo ako nililigawan simula noong sinabi mong “I love you, too.” Nag-expect talaga ako eh. Pero syempre, knowing you, gusto mong i-prioritize ko ang pag-aaral ko. Ganun naman ‘yun diba?

     Kaso nadurog yung puso ko nung malaman ko na kayo na ni Alex. Oo, si Alex, yung maganda, matalino at near-to-perfect type of girl. Hindi ko makakaila na bagay na bagay talaga kayo. Pero ano namang maggagawa ko? Isa lang naman akong hamak na best friend mo? Tapos alam mo ‘yung mas masakit, ikaw mismo ang nagsabi sa akin na kayo na. Ngumiti lang ako tapos tumakbo ako, tumakbo ng tumakbo.

     Nakita ko ang sarili ko sa playground, humahagulhol. “Mahal kita! Hindi mo pala ako mahal *sobs* Ang h*sob*h-hira-aaap. Pakingsheeeet!” sigaw ko habang umiiyak ako. Tapos, nagulat ako nung umupo ka sa tabi ko. Sabi mo, “Pwede bang manligaw?” Sinampal kita. Sabi ko, “PAKINSHET KA PALA EH, DIBA KAYO NA NI ALEX, DUN KA NA!”. Natawa siya. Sabi niya, “Joke lang ‘yun. Sinisugurado ko lang na mahal mo ako.” Sabi niya sabay wink. Natawa na lang ako.

     Hindi magalaon, naging tayo na. Masayang-masaya ako. Super. As in parang nasa Cloud 9 ako palagi. Ganito pala yung feeling ng mahal ka ng taong mahal mo ‘no? Kala ko kasi talaga unrequited ang love ko for you. Nag-aaway man tayo minsan, pero siyempre, nagbabati din agad tayo. Tayo yung perfect couple. Okay na sana kaso…

IMAGINATION KO LANG ‘TO. Never tayong naging best friend. Hindi tayo nag-uusap kahit sa Twitter man lang. Naging friends tayo, pero nag-part ways din tayo. Oo, tama. Nandito ako, sa isang sulok ng garden, tinitingnan ka habang kasama mo siya, masayang-masaya. Gusto kong umiyak pero naubos na yata ang luha ko sa pitong taon na pag-iyak ko dahil sa’yo. 2nd year High School nung nalaman kong mahal pala kita. Kaso…para kasing huli na ako. Wala rin naman akong lakas ng loob na sabihin sayo. Ngayon, 4th year college na tayo, hindi pa rin nakaka-move on sa’yo. Pilit kong tinatanggap na hindi tayo nakatakda sa isa’t-isa. Na kahit i-singit ko na lang ‘yung sarili mo d’yan sa puso mo, eh wala ng space para sa akin. Oo, kuntento na ako, kuntento na akong magsulat ng imaginary love story natin. At least kahit sa imahinasyon ko man lang eh mamahalin mo ako. Graduation natin ngayon. Tumingin ka sa akin, at ngumiti. Ngumiti rin ako sa’yo. Aaminin ko, nabuo mo ‘yung araw ko. Pero agad namang naglaho ang mga ngiti ko ‘nung na-realize ko na hindi mo nga pala ako maggagawang mahalin pa-balik. Ayoko ng umasa. Ayoko na talaga. Ito nga pala ang imaginary story natin Keith, sana mabasa mo ‘to. Wala na siguro ako sa time na nabasa mo ‘to. Nakalimutan ko nga palang sabihin sa’yo. May kidney cancer ako. Pero hanggang next week na lang ang itatagal ko, ayoko na kasing magpa-opera eh.Binilinan ko ang best friend ko na ibigay sa iyo ‘to sa oras na wala na ako, ‘wag kang mag-alala, hindi niya ‘to binasa. Pinilit ko ang sarili ko na gawin ‘to, para kahit huli na, malaman mo na mahal kita.

P.s. Oo nga pala, ‘yung puso ko, gusto kong i-donate sa’yo. Alam na ni Mama ‘yun, sinabi ko na sa kanya. Diba may sakit ka sa puso? Balita ko maghahanap ka na ng donor next month? Huwag ka ng mag-alala, sagot na kita. Namatay man ako, at least nabuhay ang taong mahal ko, gamit ang puso ko, na patuloy na titibok para sa’yo.

Love,

Jamie.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Imaginary Love Story(One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon