Bakit ganun ?

2 0 0
                                    

Pag ang lalaki may crush pwedeng ligawan,
Peru kaming mga babae , hanggang tingin lang.

Alam mo sa lahat ng lalaking gusto ko, ikaw ang pinaka mahirap abutin.
Hindi sa dahil gwapo ka, at matalino ka.
Kundi dahil alam kung kahit kailan hindi moko mararamdaman,
Hndi mo malalamang nabubuhay ako at hndi mo malalamang may nagmamahal sayo na katulad ko.

Masakit, masakit na hanggang tingin lang ako.
Masakit kasi sa pictures lang kita matitigan,
Peru sanay narin naman ako sa sakit bahagi na ata to ng buhay ko .

Peru ang hindi ko inaasahan ay ang makilala ka, makita ka at matitigan ka ng tatlong pulgada lang ang layo sayo, kahit pa nakatalikod ka.

At ang ikinagulat ng sistema ng puso ko ay nung lumapit ka , nakipag picture ka, at nag pakilala ka . Halos walang letrang lumabas sa bibig ko sa sobrang kaba at saya na aking nadama.
Tumingin ako sa aking mga kamay , nasabi ko sa sarili ko nanaginip ba ko ?
Nahawakan kita, nakita ko ang lapad mung mga ngiti sa tuwing nag tatama ating mga mata.

Kaya please lang wag nyu nakung gisingin pa.

Peru habang lumalim ang gabi
Nababawasan ang aking mga ngiti, tumatakbo ang oras at naramdaman kung ako pala si
Cinderella.

Cinderella'ng kailangan nang gumising sa katotohanang hndi ko na mahahawakan ang iyong mga  kamay , hindi ko na uli makikita ang lapad mung mga ngiti at ang mga mata mung ngumingiti.

Alam mo ba ?
Naiingit ako, naiingit ako sa tuwing nakikita ko sa mga letrato mo na may kasama ka
Naiingit ako kasi nakakausap ka nila, naiingit ako kasi natitigan ka nila at naiingit ako kasi masaya kang kasama sila.

Sana matagal na kitang nakilala, baka ngayun naka-usap pa kita.

Peru habang tinitingnan ko ang mga letrato na kasama mo sila , nanliit ako sa sarili ko , wala pala akung karapatan maiingit sa kanila , dahil wala ako sa kalingkingan ng ganda nila at makikita mung ' they deserve better more than i do'.

Ayoko ko nang umaasa pa na sa pag gising ko kasama ka , dahil hndi ako si snow white na sa isang halik mulang tayo na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon