A/N:
This chapter is dedicated to
******
VHON's POV:
57 down to 28 students...
Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ba kami nagkaganito.
Kung bakit maraming nawawala..
Kung bakit ang seksyon namin ang nagkaganito...
"Vhon anong Role mo pala sa play natin na Noli Me tangere?."- tanong ni Jerico habang hawak hawak ang script niya.
"Ako si Basillio."- Sagot ko.
"Uy dol bat kayo nakasimangot diyan ah?."- tanong naman ni Nad.
"Ewan nahawa lang ako sa lukot na mukha ni Vhon.!"' - natatawang sabi ni Jerico.
Aba! Loko to ako pa talaga ang dinahilan ah..
"Wala to may iniisip lang ako."- sagot ko.
"Nababakla kana ba Ah Vhon?"- tanong ni Nad.
"Ayiiee...Crush kita Fafa Nad."- Sabi naman ni Jerico.
Napa ngiwi ako sa boses niya .
"Ulol! Wag ka nga!."- Sabi ni Nad at pabirong sinuntok si Jerico.
Sa gitna ng kasiyahan namin ay nakaramdam ako bigla ng lungkot.
"Hoy Vhon para kang babae ang arte mo!."-Sabi ni nad.
"Ulol! Naisip ko lang kung nandito sana si miguel...."
Napabuntong hininga naman kaming tatlo at namayani ang katahimikan.
"Hoy! Antatahimik niyo!."- pambibigla ni Dona.
Napatingin naman kami sa kanya .
Isa pa tong si dona eh, Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanya ..
Pwedeng isa din siya sa killer..
"Oh? Natulala na naman kayo hay naku! Alis na nga ako!."- sabi niya at napatampal sa noo.
Nagpaalam na din sina Jerico at Nad na babalik na sila sa kanya kanya nilang group.
"Okay guys may practice tayo mamayang hapon ah...sa gym na daw tayo sabi ni Maam Caring!."- announce ni Marj na Director namin.
Pero nakaramdam agad ako ng kaba....
Parang may mangyayari mamaya. .
**********
KAYE's POV:
"Ugh! Ang sakit na ng ulo ko!."- reklamo ko kaka memorize ng script ko.
Ako kasi ang gaganap na tiya Isabel sa Noli me tangere play namin .
Kinuha ko ulit yong script ko at tinignan ang mga to.
"Nakakainis naman to ang hirap!."- larri.
Napatingin naman ako sa nag reklamo.
Frustrated ang mukha ni Larri habang nagme memorize ng line niya
"Ano ba guys puro nalang reklamo ah?!."- bulyaw ni Jhemaica
"Ang hirap kaya mag memorize ng letcheng script nato!."- balik na sigaw ni Myka .
"Eh tanga ka pala eh...hoy wag niyo kung sisihin grade natin lahat to!."- Sigaw ni Jhemaica at nagdabog paalis.
Napailing nalang ang karamihan
Marami na ngang namamatay nag aaway away pa sila.
Naglakad ako papuntang stage para imemorize ang place na papasukan at lalabasan ko.