Jazrille's POV
Hinatid ako ni Idiot sa room. Sumasakit yun ulo ko. Nakakainis, nakita ko na naman yung impaktong yun. Hindi ako makapag concentrate! Ang sakit talaga ng ulo ko. Ayoko naman pumunta ng clinic, ayoko dun. Hindi ko nakasanayang pumunta sa clinic kapag may sakit. Nakahalata naman yun classmate ko, varsity player ata to.
"Hey Jaz, are you okay?" Alam ko pangalan nito eh, wait iisipin ko. Kean ba? Rean? Sean? Hindi ko matandaan. Bakit nagiging makakalimutin na ako!
"Hey Jaz, you're idling." Sabi nya. Hindi ko kasi talaga maalala. I keep on remembering his name, pero wala talaga eh!
"I am sorry, iniisip ko kasi yung pangalan mo." Sabi ko naman ng tapat sa kanya. Kaso tinawanan nya lang ako. Anong nakakatawa? I'm serious!
"Hahahaha you're funny." Hindi naman ako clown. Wag mo akong inaasar. Napairap nalang ako sa kanya kahit ang sakit talaga ng ulo ko.
"What's so funny?" I am getting pissed. Bakit ba ang bilis kong mainis ngayon?
"Iniisip mo kasi yun pangalan ko. Hahaha. Kakaiba ka talaga." Anong kakaiba doon? Normal namang isipin ang pangalan ng isang tao kapag hindi mo matandaan, diba? Kauri rin ata ito ni Ivan eh. Parehas silang may pagka tanga.
"Eh ano naman kung iniisip ko yun pangalan mo? Hindi ko matandaan eh."
"Lahat kasi ng tao dito, kilala ako. Ikaw hindi." Hindi nalang ako sumagot. Eh ano naman kung hindi ko siya kilala.
"Anyway, my name is Shan." Ah! Shan! San ko nakuha yun Kean, Rean and yung Sean. Hahaha! Nagpapatawa na naman ako.
"So I'll ask you again, okay ka lang ba?" Sumasakit talaga yun ulo ko eh, pero ayos pa naman ako. Matagal mamatay ang masamang damo. Yes, I believe in that saying.
"Yes, I'm fine." Ayoko talaga magpadala sa clinic. Hindi naman ata nakikinig tong Shan na to. Hindi ko na siya kinausap. Maya maya, tumigil ang professor sa pagsasalita dahil may kumatok sa pinto at lumabas naman sya para doon.
"Miss Ramos, may naghahanap sayo sa labas." Sino naman yun humahanap sakin! Ang sakit ng ulo ko kaya ayokong gumalaw ng gumalaw. Kapag wala talagang kwenta itong naghahanap sa akin, sasapakin ko talaga to. Lumabas naman ako ng room. Nahihilo ako badtrip.
"Masama daw pakiramdam mo?" Si Idiot pala to. Ano namang ginagawa nya rito?
"Ayos lang --" Then everything went black..
Ivan's POV
Naglelesson kami nang biglang magtext sakin si Shan, yung kateam ko sa basketball.
From: Shan Reyes
Ivan, yun girlfriend mo kanina pa ata masama yun pakiramdam. Wala sa sarili eh.Classmates nga pala sila. So I excused myself.
"Ma'am, I need to go. Meron lang pong emergency." Kapag hindi nya ako pinayagan, si Lola na ang bahala sa kanya. Pero pinayagan naman nya ako. Hindi naman terror tong prof ko so pumayag naman siya. I asked Shan kung san room nila.
From: Shan Reyes
NRH 108.So pumunta ako sa room nila and I excused her to the prof. Para siyang lantang gulay habang naglalakad. Hindi pa niya ata alam na ako yun naghahanap sa kanya.
"Masama daw pakiramdam mo?" Tanong ko kaagad sa kanya. Hindi naman sya nakasagot kaagad.
"Ayos lang --" Sht! Nahimatay siya, hindi ko alam ang gagawin ko. Binuhat ko siya as in yung bridal carry, basta! Natataranta ako! First time to. Dinala ko siya sa clinic. Sht talaga! Bakit ba hindi niya sinabi na may sakit siya! She's making me so worried!
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014