Doon na nga natapos ang paguusap namin. Kinabukasan, wala kaming pasok kasi sobrang lakas ng ulan dito. Pagkagising ko, agad kong binuksan yung messenger ko para tignan kung online si Jeff at para na rin makita kung ano ano ang mga bagong info na hindi ko pa nakikita sa GC mamin.
From Gwapo Gwapo <3
Good Morning. Sana Good pa ang morning mo. Have a nice day :).
Kinilig ako ng sobra kasi, bakit niya ako tatanungin ng ganon? Whaaaaaa...
From Gwapo Gwapo <3
Kumain ka na ba? :*
Bakit niya ba ako tinatanong ng ganito????? Parang may kutob na ako. Hindi kaya...
From Gwapo Gwapo <3
Wag mo na akong tanungin kung kumain na ako kasi kumain na ako. Anong ginagawa mo?
Feeling ko talaga may iba e. Bakit ba kasi niya ako tinatanong ng ganito??? Crush niya ba ako!!?!?! Hindi na nga ako aasa pa. Lalaki ako at lalaki siya. Isang malaking word na IMPOSIBLE ang nakaharang.
From James Hide
Cloie, alam mo na ba yung tungkol kay Jeff at Andrei??? Sabi ni beyb, chinat niya daw si Jeff at sinabi na paasahin lang niya si Andrei! Huh! Humanda si Andrei sa akin at patay naman sa akin si Jeff.
Bakit?!?!? Alam ko na kung bakit ganon ka sweet si Jeff sa akin. T.T . Bakit ba kasi nagpapakasasa ako sa Jeff na yun e. Naiiyak ako ngayon dahil sa wrong send ni James.
From James Hide
Ayy sorry. Xsend. Nasaktan ka ba? Pasensya na ha. Sinsadya ko kasi e. Hahahaha.
At talagang masungit nga si James. T.T . Naiiyak talaa ako... Bakit kasi nainlove pa ako sa Jeff na yun e. Sa susunod hindi na ako magmamahal ng lalaki kasi alam ko naman papaasahin lang nila ako.
***
Lumipas ang ilang araw at hindi ko parin makalimutan yung sinabi sa akin ni James na papaasahin lang daw ako ni Jeff. Pero bakit kaibigan ko pa ang nagsabi nun sa crush ko?!?!?! Dahil ba hindi pa nakakamove on si Shakira kay Jeff. Sobrang nasasaktan ako dahil dalawang tao ang mawawala sa akin. Una, si Shakira. Panglawa, si Jeff. May kasabwat pa kaya dila dito. Kahit pa ganon ang nangyari, mahal ko parin si Jeff.
From Gwapo Gwapo <3
Kamusta ka na? Sorry ha. Mahal ko pa kasi si Shakira kaya sinunod ko yung utos niya e. Pasensya ka na talaga. Alam ko naman na ultimate crush mo ako pero pinaasa kita. Sorry talaga. Sana mapatawad mo ako. 😭😢
Hindi na ako nagpadalos dalos at nagreply agad ako sa kanya.
"Sorry narin kung masyado akong nasaktan sa nangyari. Hindi ko lang kasi matanggap na crush ko pa ang gagamitin ng kaibigan ko para masaktan ako. Kaibigan ko pa talaga!!" Sabi ko naman agad sa kanya.
From Shakira Guerrero
Sorry bes kung nasaktan kita. Hindi mo alam kung sino sino ang may pakana kung bakit ka nasaktan ng ganyan. Hindi ako mag isa. Tatlo kami.
Aba. At talagang mandadamay pato ng iba kong kaibigan. Baka totoo nga ang sinabi niya na tatlo sila?! Sige. Itatry kong maniwala.