Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Pakapa-kapa ko itong pinatay. Tatayo na sana ako ng hapitin ni Micheal ang aking bewang at mas idinikit ito sa kanyang katawan. Nilingon ko siya at nakita kong nakapikit pa din.
Oo nga pala. Ilang araw na din kaming nagsasama. Naging maganda at maayos naman ang mga pangyayari.
"Micheal kailangan ko ng bumangon. Maghahanda pa ko ng almusal natin." sabi ko at tinanggal ang kanyang kamay mula sa pagkayakap sa akin.
"5more minutes babe" paanas niyang sabi.
Napangiti naman ako. Humarap ako sa kanya at inabala ang sarili sa pagtingin sa gwapo niyang mukha.
Napakakinis ng kanyang kutis animoy isang babae. Makapal ang kilay. Matangos ang ilong at mapupula ang kanyang labi. Napansin kong may konting bigoti ng tumubo sa kanyang baba. Hinaplos ko ito gamit ang aking hintuturo.
"Pinaglihian mo na ba ako? Tunay na ko sa titig mo eh!" nakapikit pa rin niyang sambit. May sinupil pang ngiti sa kanyang labi.
Agad nag-init ang aking mukha sa kanyang sinabi.
"Bumangon ka na nga diyan. Gising ka na naman eh!" padabog akong tumayo at pumasok sa banyo.
"Syanga pala babe, sa makalawa na yung birthday party ko. Sa bahay muna ako mamaya hanggang sa party ha? May tatapusin lang ako." pasigaw niyang sabi sa labas ng banyo.
Nahinto ako saglit sa pagsasabon. Ibig sabihin mag-isa uli ako dito? Parang nakakalungkot naman yata. Nasanay na akong may kasama at katabi sa pagtulog eh.
Narinig kong lumabas na siya ng silid kaya ipinagpatuloy ko na ang pagliligo.
Agad akong nagbihis pagkatapos dahil magluluto pa ko. Simula kasi ng magsama kami ay tila isa na akong ulirang maybahay na pinagsilbihan siya.
Saktong nakapagbihis ako ng pumasok si Micheal bitbit ang isang tray na may lamang pagkain. Nakasuot pa siya ng apron.
"Breakfast is ready!' nakangiti niyang sambit.
"Akala ko ba ako ang nakatuka sa pagluluto?" tanong ko at naupo sa kama habang nagsusuklay.
"Well, ako muna ngayon.. Common lets eat na."
Nagkwentuhan pa kami habang kumakain. Pagkatapos ay niligpit ko na at hinugasan habang naliligo pa siya. Ihinanda ko na sin ang kanyang susuotin. Nagdala na din kasi siya ng kanyang gamit dito.
Nang matapos ko ay saka ako nagbihis. Kailangan ko pang tapusing pag-aralan ang proposal ng bago naming project.
Usapan kasi namin ni Micheal na bawal magdala ng trabaho sa bahay.
Hinintay ko na siya sa sala at sabay kaming aalis.
Micheal's POV:
Abala ako sa pagrerepaso ng kontrata ng mayagkagulo sa labas at biglang nabuksan ang pinto. Nakita kong pumasok ai Janice habang pilit na pinipigilan ng aking sekretarya.
"Pasensya na sir ayaw ko sanang papasukin pero nagpumilit eh!" sabi ni Vicky at halatang natakot. Bilin ko kasing wag muna akong storbuhin dahil may importante akong ginagawa.
"Honey! Where have you been? Palagi kang wala sa bahay niyo. At di naman ako pinapasok dito!" malanding sabi ni Janice saka kumandong agad sa akin.
"You may go Vicky."
Agad ko namang inalis si Janice sa pagkaupo sa akin matapos maisara ni Vicky ang pinto.
"Im busy Janice! Can you just go home? I need to finish all of these!" turo ko sa nakatambak na papeles sa aking mesa.
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
General FictionCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...