BTG 32: Kailangan nating magusap...

9.2K 212 9
                                    

[Akihiro's POV]
(Few minutes before confrontation)

Nang makarating sa school, lalamya lamya akong bumaba ng kotse. Bukod sa pagod at puro sugat ang katawan ko dahil sa extreme training na ginawa sakin ni mr. Mitzuki kahapon. Wala din akong lakas na loob na pumasok at muling makita si Keallyn. After ng mga ginawa at sinabi ko sa kanya last time, wala na ata akong mukhang maihaharap sa kanya.

Napilitan lang ako dahil sa request ni Cyrene. Nang malaman kase niyang dito din nagaaral si Knite, agad siyang nagpatransfer dito dahil gusto daw niya ulit kaming makasama sa iisang school. Kagaya ng Dati.

Umikot ako para pagbuksan siya ng pinto.

Ngiting ngiti siyang bumaba at humarap sakin.

"O em gee Hiro! After seven years! sa wakas! mabubuo ulit tayo kasama si Knite!" Nagtatalon siya sabay yakap sakin.

Kahit na medyo kumirot ang mga sugat ko, hindi ako ininda ang sakit.

Napangiti na lang ako sa pagiging hyper niya.

Seven years has been past pero hindi siya nagbago, Napakajolly at hyper pa rin niya pag kaharap ako. Eto yung dahilan kung bakit di ko siya matanggihan sa request niya, i miss her smile and I do my best para hindi iyon mawala sa inosente niyang mukha.

Nang makita ko siya sa Hokusai palace, God knows kung gaano ako natuwa na buhay pa pala siya. Buong buhay ko sinisisi ko ang sarili ko kung bakit siya nawala pero heto siya ngayon, nakayakap sakin at buhay na buhay.

Hindi pala siya tuluyang pinapatay ni Dad noon, naawa ang first wife niya at pinigilan siya sa balak nito. Dinala ng step mother ko si Cy sa Japan, duon siya pinagaling sa mga natamo niyang sugat at tuluyan na siyang inampon nito.

Humiwalay na siya ng yakap sakin "Tara na Hiro~" hinila niya ako, ngumiti lang ako at nagpahatak na sa kanya.

"Saan yung room natin?"

Tinuro ko yung Seniorhigh building "Sa third floor nun, ABM 03" Nirequest din kase naming maging classmate ko siya.

"Wow! Ang ganda ng building na yun, pati yun! ayun! tsaka yun pa!" para siyang bata na turo ng turo sa kada building na makikita niya.

"Pero mas maganda ka" sagot ko sabay akbay sa kaniya.

Natigilan siya at tumingin sakin. Kita ko ang pamumula ng mukha niya.

Ewan pero bigla na lang nagpop-up sa utak ko yung mukha ni Keallyn na namumula din, sa tuwing nagagalit siya. Yung kahit beastmode na siya, hindi ako natatakot kase ang cute lang nya sa paningin ko.

Natigil ako sa pagde-day dream nang biglang hinalikan ni Cy ang kanang pisnge ko.

"Gaya ka pa rin ng dati~ lagi mo kong sasabihan ng maganda para makakuha ng kiss sa akin" Pabiro nitong sabi sabay pindot sa tagiliran ko.

Yup, gawain namin yun dati. Pero hindi 'yon ang intensyon ko, pure compliment lang talaga ang sinabi ko sa kanya kanina, di ako nageexpect ng kiss.

At isa pa, wala na talaga akong Romance feeling kay Cy, Pure Special friendship na lang ang nararamdaman ko ngayon. No more No less.

'May iba na kase akong mahal.' lam nyo na kung sino yun *wink*

Ginulo ko ang buhok niya " Kahit wala namang kiss, sasabihan pa rin kitang maganda Cy. Cause In and out your damn so pretty"

"Sus! bolero ka pa ring singkit ka. Ayaw mo lang ata sa cheeks eh, gusto mo sa lips?" sabay pout.

Tinanggal ko agad ang pagkakaakbay ko sa kanya.

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon