BTG 37: Akin ka lang

9.8K 225 33
                                    

[Keallyn's POV]

"Okay by partners ang gagawin nating pagrampa sa opening! Magsasalubong kayo sa gitna, galing sa kaliwa si boy at kanan naman si girl then give us a unique pose. Yung pose na pamatay sa kilig since lovers naman ang theme." Sigaw sa'min ng baklang event organizer. Nakarimiv pa nga ako ng ilang pag-angal mula sa ibang participants. "Tapos ay unang lalakad paforward si boy then susunod si naman si girl. Yung rampa na pak na pak! Pag nagsalubong kayo sa gitna, give us a solo pose  bago kayo maghiwalay at pumunta sa pwesto. Nagkakaintindihan ba tayo?" pagpapatuloy niya.

Tumango lang kami, kahit na gusto ko siyang paalisin ora mismo dahil sa kaartehan niya.

Kasalukuyan kaming nakaupo paikot sa stage ng stadium at nag-papractice para sa darating na intramurals.

"Okay go to your partners! then punta na ng backstage para masimulan na" muli nitong sigaw.

Naunang tumayo si Knite at inilahad kamay niya sakin "Your majesty" pabiro niyang sabi na para bang ginagaya ang tagapagsilbi sa kaharian.

Tinampal ko lang ang kamay niya at mag-isang tumayo "Baliw" pabiro ko ring sagot.

"Sayo" dugtong niya na kumindat pa.

Napailing na lang ako habang nakangiti, pasalamat siya goodmood ako ngayon kaya sasakyan ko ang biro niya. Kung hindi baka kanina pa siya nakatikim sa'kin.

"Malady anong nakain mo at parang goodmood ka ata ngayon? Simula kaninang umaga pa yang ngiti mo e, ni hindi mo nga ako sinigawan" takang tanong ni Knite habang naglalakad kami papuntang backstage.

Bakit ako goodmood?

Well...

Lumingon ako sa lalaking singkit at matangkad na nasa likod namin at nang magtagpo ang mata namin sabay kaming napangiti. Agad akong umiwas ng tingin dahil baka may makahalata sa'min.

Si Aki...

I bite my lower lip para pigilang mapangiti pero hindi ko talaga kaya. shit lang.

"Yang ngitian mo ngayon iba talaga malady, namumula pa yang pisnge mo" sabi ni Knite then he give me a suspicious look.

Wala kase silang alam tungkol sa'min ni Aki. Yes wala pang label ang relationship namin, pero alam kong may something sa'min ngayon.

Di na ako nakasagot sa sinabi ni Knite dahil kailangan na naming maghiwalay, lahat ng boys sa left part ng backstage habang kami sa right.

Number 5 ako habang si Cyrene Number 6 kaya nasa likod ko siya.

Simula nang sinigawan ko siya sa private room, never na niya akong ina-proach. Mas mabuti na yun dahil di ko talaga maatim na makipagkaibigan sa kanya tsk.

Nagsimula nang patugtugin ang isang dramatic classical music.
Tahimik lang ako habang hinihintay ang turn namin.

"contestants #5, first partners that represents ABM senior high. Mr. Knite Nicolas Abueva and Ms. Keallyn Wibbleton" sigaw ng nagtuturo.

Nagsalubong kami ni Knite sa gitna ng stage.

"Give us A nice pose!, Since true to life couple kayo, yung pasabog mga darling" sigaww ulit nung maarteng bakla

Ngumisi si Knite "Pasabog daw malady" bulong niya.

"Paano?"

"basta~ akong bahala" tapos ay binigyan pa ako ng nakakalokong ngisi.

Hinawakan niya ako sa kaliwang kamay sabay ikot sakin na para bang nagsasayaw kami. So napunta ako sa harap niya na nakacross ang dalawang braso.

"Tingin ka sakin" bulong niya.

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon