"Pilipinas"

11 0 0
                                    


     Kararating ko lang ng Pilipinas kahapon. Matapos ang tatlong taon, nakabalik na ako ulit dito. Naninibago na ako, kasi nasanay na ako sa malamig na klima sa London. Pagkalabas na pagkalabas ko ng eroplano ay sumalubong agad sa akin ang mainit na hangin ng Maynila. Magtatanghali na rin kasi nang lumapag ang eroplano, kaya hindi na kumportable ang hangin at sikat ng araw. Dali dali akong sumakay sa taxi na nakuha ko papunta sa hotel na tutuluyan ko.

     Pinagmasdan ko ang mga nagtataasang gusali dito. Nakakapanibago, dahil sa loob ng tatlong taon ay madami nang nagbago. Napaisip ako. Di ko alam kung hanggang kailan ako dito. Umuwi lang naman ako kasi ngayong buwan gagawin ang graduation ng kapatid ko. Freelancer lang din naman ako sa London. Home-based. Naapapa-isip nga ang mga kaibigan ko kung bakit pa ako pumunta ng London kung home-based lang din naman ang trabaho ko. Lagi ko na lang sinasabi na gusto ko doon na mag base eh. Aminin man natin o hindi, mas maganda ang buhay sa lugar na iyon kaysa dito.

     Pero maliban doon, may bahagi ng nakaraan ko na ayaw ko nang balikan.

     Nang makarating ako sa hotel, kinausap ko ang receptionist at kumuha ng kwartong tutuluyan ko sa loob ng ilang araw. 'Di naman ako nagpa-reserve gawa ng alam ko naman na hindi peak season ngayon. Sa susunod na linggo ko pa balak umuwi ng probinsya. Habang nandito ako, bibili pa ako ng pasalubong ko sa mga kapatid ko saka sa mga magulang ko.

     "Pilipinas." ang simpleng update ko ng status sa Facebook. Malaking bahagi ng buhay ko ang social media. Dahil sa pag gawa ko ng home-based na trabaho, hawak ko ang buong oras ko. Kaya naisisingit ko din ang pag gawa ng mga videos at blog posts. Noong una, ginagawa ko lang ito para may mapag libangan ako. Ngunit pitong buwan na ang nakararaan na nag post ako ng video patungkol sa double-standards na ginagawa ng lipunan pag dating sa mga lalaki. Wala lang naman yun, napag-trip-an ko lang naman dahil sa isang article na nabasa ko sa dyaryo. 'Di ko inasahan na dadami ang manonood ng vieo na 'yun. 500k+ views and counting. 'Di karamihan kumpara sa mga batikang Youtubers pero marami siya, sobra-sobra pa, para sa isang simpleng hobbyist na tulad ko. At iyon nga, naging viral. Simula noon, naging matunog na ang pangalan ko sa Youtube sa Europe. At nadagdagan pa ako ng pagkakakitaan.

     Ilang minuto pa, dumami ng dumami ang nag-like sa simpleng post ko na iyon. Sa loob ng 2 minuto, lampas 100 na agad. At dahil dyan, may biglang nag-message sa akin.

Julian: Yow

Julian: Adriaaaaaaaaaaan

     Napangiti ako. Si Julian. Isa siya sa mga naging malapit ko na kaibigan sa kolehiyo. Hanggang ngayon ay mabuti pa rin kaming mag kaibigan.

Adrian: Yow

Adrian: Juliaaaaaaaaaan

Adrian: lol

Julian : OMG totoo nandito ka?

Adrian: Ayaw mo?

Julian: Pasalubong ko!!!

Julian: OvO

Adrian: :x

Julian: Kadiri ka meeen

Adrian: lol

Julian: Saan ka nyan?

Adrian: Dito sa hotel. Sa Pasay.

Adrian: Kararating ko lang din 10 minutes ago.

Julian: Hala

Julian: Sakto pala dating mo

Adrian: y

Julian: Bukas pa despedida ni pareng Kiko. Punta tayo sa party nya

Adrian: ket san sya pupunta?

Julian: Sa Japan. Dun na sya mag stay for good. Kinuha sya nung partner nya, si Akihiko, remember?

Adrian: Oh, sila pa rin pala gang ngayon?

Adrian: Tinamaan talaga si Hapon

Julian: lol

Julian: Sinabi mo pa

Adian: Mga anong oras ba? Matutulog muna ako ngayon. Ramdam ko na jetlag

Julian: 6 PM pa naman eh. Dinner tapos overnight na yun. Sa may private resort tayo sa may Batangas yun.

Julian: Alis tayo dito mga tanghali para sidetrip tayo saglit sa Tagaytay

Julian: Libre moko ng bulalo

Julian: :D

     Mahaba pa naging usapan namin ni Julian tungkol sa magiging set up namin bukas. Hanggang sa may nasabi sya na napatahimik ako bigla at napa-isip.

Julian: Adrian, may tatanong pala ako.

Adrian: Ano yun?

Julian: Sa tingin mo, okay ka na na makita siya?

     Kilala ko kung sino tinutukoy niya. Napa-isip ako ng malalim sa tanong niya. Oo nga, okay na nga ba ako na makita 'siya'? Magkakaibigan kami lahat kaya hindi malabo na kasama 'siya' sa despedida ni Kiko. napabuntong hininga ako bago tumipa ng isasagot.

Adrian: Malalaman natin bukas.

     Napabuntong-hininga ako bago ko isinara ang laptop ko. Ramdam ko ang pagod, pero hindi ako maka ramdam ng antok. Naiisip ko 'siya'. 'Di ko namalayan na kinuha ko na pala ang cellphone ko at binuksan ang Photos app. Parang may sariling isip ang mga kamay ko, na dali-daling nag-scroll sa mga album na naka-link sa cloud storage ko. At nakita ko nga, ang nag-iisang litratong hindi ko binura, 3 years ago.

     "Voltaire."

Thank you. I'm Sorry. I Love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon