Introduction

766 18 2
                                    

TARA, SULAT TAYO. (WRITING 101) - Introduction

Teka, bago ko simulan ang writing guide/tutorial na ito, gusto ko lang linawin na hindi ako nagmamagaling at hindi ko pinipilit na paniwalaan at sundin niyo lahat ng sasabihin ko dito. Para sa akin kasi, nakakalimit ng ideas kapag mas marami kang rules na inaalala. Kaya ang first lesson dito ang tingin ko na kailangan mo lang talagang malaman. Ikaw na ang bahala kung itutuloy mo pa.

Sine-share ko ito dahil may nakikita akong tao dito sa Wattpad na may potential pero sayang kasi hindi sila pang publishing material. Pero alam niyo? Mas masarap magsulat online kasi kapag maypapasa ka sa isang publication, may sinusunod silang formula para mapili kung ano ang ipu-publish nila.

Katulad sa PHR. May sinusunod silang writing formula. Sa mga matatagal nang readers ng PHR, siguro naisip niyo narin na minsan paran parepareho nalang ang istorya. Naiiba lang ng character, settings, at eksena pero ganoon din ang kabuuan. Nagegets niyo ba ako? Hirap lang mag-explain, eh.

Isipin niyo nalang na ipinasa sa PHR ang novel ni Ricky Lee. Matatanggap ba siya? Malamang hindi.

Kung gusto mong ma-publish, know your publisher. Kailangang compatible ang style mo ng pagsusulat sa format na hinahanap nila. Kumbaga sa sinasabi ko nga sa pagsusulat dito, kung hindi ka patok sa Wattpad, baka hindi ito ang community para sayo. Iba kasi ang tipo ng istorya ng hanap ng mga tao dito. Tama? Kapag nag-publish ka dito ng PHR ang style, hindi ka mapapansin. Kailangang sundin mo ang Wattpad Format (see Chapter 1).

Pare-pareho lang tayong naghahasa ng skills kaya kung salungat sa paniniwala mo ang paniniwala ko, tinatanggap ko iyon.

Napahaba na ata ng intoduction ko? Matatawag ko pa ba itong introduction? Hahaha.

Okay, let's start!

TARA, SULAT TAYO! (WRITING101)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon