Lesson 2: Training Wheels

449 24 3
                                    

Lesson 2: TRAINING WHEELS

As I was saying, panay ang sunod natin sa storyline ng Metero Garden o ng kahit ano pang hit shows. Kung original naman, palaging ganito ang lagay ng story: Si babae ay inis kay lalaki na pinakasikat sa school dahil napakayabang nito. Magkakalapit silang dalawa at marerealize ni girl na nakakaawa pala si boy dahil sa nakaraan niya or family niya. Magkakamabutihan sila ang it turns out na sweet pala si guy. Tapos may eepal o malalaman na may bet lang blah blah blah. magkakahiwalay sila at magkakabati. Kapag ayaw pang tapusin ni author ang story, bibigyan niya ng amnesia ang isa sa mga character tapos blah blah blah. Maaalala na tapos THE END!

Sabihin niyo, mali ba ako?

Perpektong characters. Scenes na based sa ilang programa sa TV. Blah, blah, blah.

AGAIN, hindi ko sinasabing mali ang mga ito. Ang paggamit ng stereotypes sa isang story ay mahalagang parte sa development ng isang baguhang writer.

Kumbaga sa pag-aarak kung paano magbisikleta, gumagamit pa sila ng TRAINING WHEELS.

Ang mga stereotype characters kasi, parang mga tools lang na pwede mong pamilian para gamitin sa story. Kumbaga sa isang dress-up game, ang stereotype characters at scenes ay ang mga damit na pamimilian mo para isuot sa doll mo. Nagegets niyo ba?

Kaya naman hindi ko sinasabing mali na gamitin sila. Nga pala, MARY SUE ang tawag sa kanila. I-google niyo nalang kung gusto niyo pang mas maliwanagan.

Kung gusto mong maging mahusay na manunulat, kailangan mong humabi ng sarili mong characters. Dapat para silang tunay na tao slash REALISTIC. Dapat may mga kahinaan at kapangitan sa buhay nila. Impulsive ba sila? Mahina ang loob? Social climber? Walang perpektong tao. Lahat tayo ay may dumi.

PERO kung nakaka... let's say... limang multi-chapter novels ka na pero ganoon ka parin, diyan tayo may problema. Walang masama kung magbabago ng style. It just shows that you are developing as a writer. Take risks. Kung mawalan ka ng readers sa experiment mo, sige malungkot ka sandali. Isipin mo kung saan ka nagkamali. Estimahin mo ang readers sa community o editors na nagbabasa ng story mo. Kung hindi mo kayang sundin ang hanap nila, magisip ka ng paraan kung paano kayo magme-meet sa gitna. Kaya sinasabi ko sa inyo, importante na ma-establish mo sa isipan mo kung saan mo gustong mag-post/publish. AGAIN, know your audience/readers/community!

Next chapter... wala na akong maisip na ilagay. Baka hanggang dito nalang ito. Hahaha. Post nalang ako kung meron pa akong mapipiga sa  utak ko.Anyway, sabihin niyo lang kung may gusto pa kayong malaman, I'll try my best to answer.

Kung hanggang dito na nga lang talaga ito, sana may natutunan ka. Kung wala, ayos lang. Pasensya na at hindi ko maibabalik ang ilang minuto na nasayang ko sa oras mo.

Huling payo ko: 

HINDI LAHAT AY MAGIGING SIKAT PERO LAHAT AY PWEDENG MAGSULAT.

Write to express, not to impress.

Byeeee!

TARA, SULAT TAYO! (WRITING101)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon