FIRST HI ( one )

12 0 0
                                    

Araw-araw nakikita ko syang nag-aabang ng jeep. Hindi ko alam kung bakit pero interesado ako sa kanya.
Siguro, dahil cute siya ? Gwapo ?
Siguro,dahil kakaiba siya sa mga lalaking nakilala ko.

" Hay naku, ano ba !! Hindi mo pa siya kilala .. " Yan palagi ang sinisigaw matinong isip ko.

Sa araw-araw na nakikita ko sya, mapapansin agad ang kakaibang kislap ng kanyang mata. Magagandang ngiti sa kanyang mga labi. Ilang katangian ng isang taong nagmamahal .

Bakit ko nga ba alam yun. Marahil dahil sa kapatid kong ubod ng romantic.

Dahil sa araw-araw naming pagkikita, feeling ko nagiging bahagi na rin siya ng buhay ko. Ang AO nga eh pero hindi nagiging kumpleto ang araw ko pag hindi ko siya nakikita. Hindi naman dahil sa may gusto ako sa kanya. Sadyang kakaiba lang talaga siya.

Ako nga pala si Sofiajade Gosiaco. 17 years old. Nag-aaral ako sa LG University sa Batangas. At ito ang kwento ng buhay pag- ibig ko. Choss !

-----

" Best, halika ka na. Ayan na ang jeep oh " sabi ng matalik kong kaibigan na si Alliana.
Uwian na namin. As ussual nag aabang kami ng jeep.

" Huh ?? Ahh. Ano-eehh,ahhm mauna ka na best, may bibilhin pa ako.May inutos pala sakin si mama kanina eh." Pagsisinungaling ko sa kanya pero ang totoo ayaw ko pa talagang umuwi.

Ayaw ko pa.

Hindi ko pa siya nakikita.

"Ganun ba best. Samahan na lang kita. Saan ba yun ? Teka, ano bang inutos sayo ni ninang ? "

( ninang po ni Alliana ang mommy ni sofia. And ninang din po ni sofia ang mommy ni alliana. Hahaha ! Abangan nio po ang story ni alliana😊 )

" WAG NA BEST !!! I mean, ano- Ahhm,kaya ko na saka sabon lang yung pinapabili sakin ni mama. Tama sabon. Hihihi. " Nakangiwing pagdadahilan ko sa kanya.

"Oh siya. Sige, mauna na ako best ah. Ingat ka."

" Ingat ka din best." Sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JEEPNEY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon