7...

37 1 0
                                    

Franz






Shit!






That was a close call! -we almost lost her!


"Husshh...tahan na."




Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap nya sakin habang umaalog ang katawan nya sa pag-iyak.




Grabeng kaba talaga ang naramdaman ko kanina pagkalabas kong cr. Nagulat na lang akong nagtatawag na sya ng tulong. Wala naman agad sumaklolo dahil wala na masyadong tao dito sa pool.




"Here Kara, para di ka ginawin." si Nica na nilalagay ang tuwalya sa katawan ni Kara, nginitian ko syang konti



Nakabathing suit lang kasi sya kaya inayos ko na lang ang pagkayapos ng tuwalya sa kanya. Ilang sandali ay huminahon na din naman sya at pilit na ngumiti sa gawi ng mga kaibigan namin habang nakayakap parin sakin. Tsaka naman sya lumayo.




Panay sorry ang tatlo dahil daw umalis sila sa tabi nya. Nagpunta daw kasi sila sa tilapyahan at nagpipicture kung san-san. Sabi naman ng isang ito ay kasalanan daw nya dahil nadulas sya nang papunta syang cr.



Napapailing tuloy ako.



Di naman pala marunong lumangoy-...bat dito pa pala kami nagpunta?




"Tara sa room para makapag pahinga ka." suhestyon ni Nica.



"Kaya mo bang maglakad?" si Ellie.



Pansin kong nag-alinlangan si Kara kaya nagpresenta na akong papasanin ko sya. Nong una ay panay tanggi nya pa pero napilit ko naman. Pinasampa ko na lang sya sa likod ko since di naman ako super human para mabuhat syang bridal style.



Makikiuso pa eh!




Inalalayan ko na sya habang yong iba ay nagpaiwan dahil aasikasuhin din daw nila ang mga gamit namin sa cottage. Kaya pagkapasok sa room dineretso ko na sya sa cr at nilapag sa bath tub.




Pilit pa nga nya akong tinutolak palabas at kaya na naman daw nya sarili nya pero matigas ulo ko kaya bahala sya!




Ni ready ko na lang ang tub tsaka akma nang aalis.




"Cge clean yourself muna. Tawagin mo na lang ako pag tapos ka na." sabi ko habang nakayoko at nakatingin sa kanya




Alam kong bakas sa tono ng pananalita at sa mukha ko ang pag-aalala...di parin kasi ako makaget-over sa nangyari. Feeling ko namamanhid ang pagkatao ko sa tuwing maaalala ko ang tagpong iyon.




"Okay na...Maraming salamat talaga Franz. Super thank you!" nakangiti syang onti at sinserong nakatingin sakin





Nginitian ko na lang din sya at bahagyang pinanggigilan ang ilong nya. Medyo namumugto kasi ang mata nya at namumula pa ang pisngi't ilong... dala ng pag-iyak siguro.



Cute naman pala sya pag di nagsusungit.



Pagkalabas sa cr ay nagbihis na rin ako kasi saka ko lang naalalang naka sports bra lang ako at board short...since tapos na naman akong magbanlaw kanina.




Nagbihis lang ako ng pantalon, tshirt tsaka nag jacket.



Hmmm...




Medyo gutom na ako. Tagal naman ni Kara!




Biglang nagbukas cr at lumabas don si Kara na nakatapis lang kaya para akong na estatwa sa kinatatayoan ko.




Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon