At ng ako'y makarating sa pa-aralang nais kong pasukan,
Isang guro ang aking agad na nasumpungan,
Dinala nya ako sa silid ng paaralan,
Ipinakilala sa kapwa ko kabataan.
Matapos akong ipakilala ng guro sa kabataan,
Ito'y umalis ng walang paalam, alis na biglaan,
Senaryo ang sumunod na aking nasaksihan,
Nahayag ang ugali ng aking kapwa kabataan.
Kaklase ko sila, kapatid kung maituturing,
Sa nasaksihan ko wari ako'y naduling,
Ano ba itong aking nakikita,
Senaryong malayo sa aking gunita!
Iba sa inaakala kong payak na pamumuhay,
Iba sa pagmamahalan ang isinasabuhay,
Galit ang bumalot sa aking kulay
Ito'y larawan ng mainiting buhay.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoesiaPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...