Macho Hearts Book 3: Sakura Hearts [Finale part 2]

1.7K 43 2
                                    

Macho Hearts Book 3: Sakura Hearts [Finale part 2]

マッチョ の 心 ブック3: さくらの心 [ 終局 Part 2]


MAY ILANG SANDALI pa akong nanatili sa pagkakayakap ni Kazuki, at nang mapansin kong nakatulog na siya ay maingat akong bumangon upang makapagbihis. Sigurado kasing naghihintay na sa akin si Kiyo.

Shit! Si Kiyo! Gaano katagal na ba akong narito sa unit ni Kazuki? Sinipat ko ang orasan -- mahigit dalawang oras na rin pala akong naririto. Mabilis kong dinampot ang aking kasuotan at nagtungo sa shower room upang makapagbanlaw man lang ng katawan. Ilang saglit lang ay lumabas na ako at nakabihis na. Laking gulat ko nga lang dahil nakaabang na sa labas ng shower room si Kazuki at nakatapis lang ng kumot.

"K-Kazuki-kun!" Bulalas ko. "Matulog ka lang. Kailangan mo ng pahinga."

"Yuu," aniya, "nangako kang sasamahan ako ngayong gabi."

"Wala akong sinabing ganon."

"Pero pumayag kang makipagsiping sa akin. Hindi pa ba sapat na sagot iyon?"

Napatingin ako sa sahig dahil hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin na madali niyang maiintindihan ang sasabihin ko. Gayon pa man ay sinubukan ko pa ring magpaliwanag.

"Kazuki-kun," panimula ko. "ako man ay naguguluhan kung bakit ko pinayagang mangyari sa atin yon. Alam mo'ng nagmamahalan na kami ni Kiyo..."

"Pero wala kang katiyakan sa kaniya!" Sabat ni Kazuki. "Ako ang tunay na nagmamahal sa'yo, Yuu!"

"May mga panahong hinihiling ko na sana ay una kitang nakilala..."

"Hindi na kailangan iyon. Nandito na ako. Sabihin mo lang na mahal mo rin ako, Yuu. Handa kitang ipaglaban kay Kiyoteru-chan. At isa pa, isip-bata ang pinsan ko; pampalipas oras lang ang tingin niya sa iyo."

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. Kahit noon pa ma'y alam ko na, na talagang masakit magsalita si Kazuki, pero hindi ko naisip na kaya nyang gawin sa akin ito.

"Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa pinsan mo, ha, Kazuki-kun?"

"Ganoon ko siya kakilala, Yuu."

"This is pointless." Sambit ko. 

Nagsimula na akong lumakad palayo kay Kazuki, papunta sa pinto palabas ng unit. Subalit biglan rin niya akong niyakap sa aking likuran ng napakahigpit.

"Yuu," nagsimula na naman siyang umiyak. "huwag mo akong iwan, pakiusap!"

"Naghihintay na sa akin si Kiyo." Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa akin.

"Bakit ka ganyan, Yuu?" tanong ni Kazuki. "Bakit ipinipilit mo ang sarili mo kay Kiyo? Alam mong ilang panahon na lang at mag-aasawa na siya."

Naluha ako sa sinabing iyon ni Kazuki. Masakit talagang marinig ang katotonan. 

"Alam ko." Sagot ko sa kaniya. "Pero tanga ako; ganoon talaga."

"Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo, Yuu. Hindi mo kailangang makihati sa puso ni Kiyoteru-chan."

"Sumama siya dito sa Japan para masiguradong sa kaniya lang ako, Kazuki-kun. Sa tingin mo, hindi pa sapat na dahilan iyon para mas lalo ko lang siyang mahalin?"

"Oh, Yuu..." Lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Kazuki habang patuloy siya sa pag-iyak. 

Hirap na hirap na ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naharap sa sitwasyon na hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Naaawa ako kay Kazuki dahil lagi rin siyang bigo sa pag-ibig. Kung bakit naman kasi mas madalas ay hindi ka gusto ng taong gusto mo? Nariyan naman si Shizumaru na labis na nagmamahal sa kaniya; pero hindi niya masuklian ang nararamdaman nito -- dahil sa akin.

"Kazuki-kun," marahan kong wika, "samahan mo akong magpahangin."

Ilang sandali pa at naglalakad na kami ni Kazuki-kun sa kalsada. Humahalik sa aming mga pisngi ang malamig na hangin ng nalalapit na taglamig; at nararamdaman ko na ang panlalamig ng aking mga kamay. Inabot ko ang kamay ni Kazuki at nadama ko ang init nito. Sa huli ay naglakad kami na magkahawak-kamay.

"Talaga ba'ng hindi mo ako kayang mahalin, Yuu?" Tanong ni Kazuki.

"Kazuki-kun, napakabuti mo sa akin at hindi kita kayang balewalain. Pero, mahal ko si Kiyo. Sa simula pa lang ay siya na ang nagmamay-ari ng puso ko. Patawarin mo ako kung sa proseso ng paghingi ko ng tulong sa iyo ay umabot tayo sa ganito."

"Siguro nga ay talagang hanggang sa pagkakaibigan na lamang tayo, Yuu. Masakit man, pero pag-aaralan kong tanggapin ang katotohanan. Pero sa oras na sawa ka na sa pagiging tanga mo, huwag kang mahiyang lapitan ako. Maghihintay ako sa iyo, Yuu." Binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti.

♫♪ Sa paglisan mo, mananatili ka sa isip;

Pinamalas mo'ng pag-ibig ay naka-ukit na sa puso, ♫♪

Natitigan ko si Kazuki. "P-pinapalaya mo na ba ako, Kazuki-kun?"

"Siguro." Sagot niya habang nakatingin sa malayo. "Kasi mahal kita. At lagi kitang mamahalin."

♫♪ Kamay ko'ng hawak mo'y bitiwan na;

Ikaw ngayo'y malaya na

Kasi mahal kita! ♫♪

Niyakap ko si Kazuki at hindi ko na mapigilan ang maluha. Labis akong nagpapasalamat dahil nakakilala ako ng isang taong tulad niya.

♫♪ Arigatou, sayonara

Di na kita pipigilan

Tama na sa akin ang minsa'y nakapiling ka, ♫♪

"Kazuki-kun," sambit ko sa gitna ng pagluha. "isa kang tunay na kaibigan. Salamat."

♫♪ Alam mong labi ko'y selyado na kahit sayo ay sobrang lapit,

Ito ay dahil sa'king luhang kay pait, ♫♪

"Isa akong tunay na nagmamahal..." wika ni Kazuki. "...na kaibigan..."

♫♪ Ang katawan ko ma'y manhid,

Maari bang ako'y yakapin mo? ♫♪

Iyon lang at gumanti na rin siya ng mahigpit na yakap sa akin. Minsan pa ay tumigil ang mundo ko, ngunit sa pagkakataong ito ay dahil kasama ko ang pinakabago kong matalik na kaibigan -- si Kaneshiro Kazuki. 

Sa gitna ng aming pagyayakapan ay nagulat na lang kami nang mula sa kung saan ay biglang may humablot kay Kazuki at sinapak siya nito. 

"KIYO?!" Bulalas ko nang makilala ko kung sino ang sumapak kay Kazuki.

Mabilis na nahandusay si Kazuki pero nakabangon din siya agad at gumanti rin ng suntok kay Kiyo. Nabuwal si Kiyo sa lakas ng suntok ni Kazuki pero bago pa man siya muling umatake ay madaling nakabangon si Kiyo at nakumbabawan niya si Kazuki kaya tinadtad niya ito ng suntok. 

Nananalo na si Kiyo nang siya naman ang damputin ng dalawa sa mga alagad ni Kazuki, na palihim palang sumusunod sa amin, at pinagtulungan siyang gulpihin. Sinubukan ko pang umawat pero tinabig ako ng isa sa mga tauhan ni Kazuki, dahilan upang mabuwal ako sa di kalayuan..

Nahihilo man ay sinubukan kong bumangon nang bigla ay nakarinig ako ng napakalakas na pagbusina ng sasakyan at nang lingunin ko ang direksyon ng pinagmumulan nito ay binulag ako ng nakasisilaw na liwanag. Narinig ko pa ang sabay na pagsigaw nina Kiyo at Kazuki ng pangalan ko at biglang parang may yumakap sa akin subalit matapos noon ay nagdilim na ang aking paligid, at hindi ko na nakilala pa kung sino ang taong iyon.

Macho Hearts Book 3: Sakura HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon