Macho Hearts Book 3: Sakura Hearts [Finale part 3]

1.7K 41 13
                                    

Macho Hearts Book 3: Sakura Hearts [Finale part 3]

マッチョ の 心 ブック3: さくらの心 [ 終局 Part 3]



"YUU?" Narinig ko ang marahang boses ni mommy kasabay ng unti-unting pagdilat ng aking mga mata. "Anong nararamdaman mo, bunso?"

Kumurap-kurap ako ng ilang ulit upang sanayin ang aking mga mata sa liwanag at nang tuluyan nang luminaw ang aking paningin ay namalayan kong nasa higaan ako. Bumungad sa akin ang kulay puting paligid at ang tubo ng dextrose na nakakabit sa kamay ko; at nakita kong napapalibutan na ako ng mga taong mahal ko.

Sa isang gilid ay nakatayo si mommy, si lolo't lola, at maging si Blake-sensei ay naroon din. Sa kabilang banda naman ay sina Rie, Mariko, Kazuki, at Kiyo. Napahawak ako sa ulo ko dahil pilit kong inaalala ang mga pangyayari at nakapa ko na may benda ito.

Naalala ko na: bago ako mawalan ng malay ay nag-away sina Kazuki at Kiyo, at nakigulo ang mga tauhan ni Kazuki. Doon ko sinubukang umawat at dahil nga sa lakas ng pagkakatabig sa akin ay nahandusay ako sa gitna ng kalsada kung saan ay may isang sasakyan ang mabilis na paparating at bubunggo sa akin. Pero may yumakap sa akin noon, tapos nagdilim na ang paligid ko.

Muli kong inisa-isa ang mga nakapalibot sa akin: si mommy, si lolo, si lola, si Blake-sensei, si Rie, si Mariko, si Kazuki, at si Kiyo. May isang nawawala!

"Sh-Shizu-chan?" pinilit kong magsalita kahit na parang namamanhid pa ang aking dila at ayaw gumalaw. "L-lumabas ba si Shizu-chan?"

Isa-isa ko silang tiningnan subalit walang sumasagot. Nagulat na lamang ako nang magsimula nang lumuha sina Rie, Mariko, at Kazuki at inilapag ni Rie sa tabi ko ang pigtal na friendship bond na iniregalo ko kay Shizumaru noong nakaraang tag-araw. 

Dinampot ko ang friendship bond at hindi pa man ay nagsimula na rin akong maluha. Ano'ng ginagawa ng putol na friendship bond ni Shizumaru dito? Dapat ay suot-suot niya ito? Binalingan ko si Rie at doon na siya humagulgol ng malakas.

"W-wala na s-si Shizu-chan, Y-Yuu..." aniya habang patuloy sa pagtangis. "Iniligtas ka niya... wala na siya..."

Parang gumuho ang mundo ko sa aking narinig. Ayaw kong maniwala sa sinasabi ni Rie. Pero bakit ganito? Ayaw tumigil ng mga luha ko?

"Di ba, nagbibiro ka lang, Rie-chan?" tanong ko, pero lalo pang lumakas ang pag-iyak ni Rie.

"Yuu, iniwan na tayo ni Shizu-chan! Wala na siya!" Niyakap siya nina Mariko at Kazuki na nang mga oras na iyon ay umiiyak rin.

Noon din ay hindi na nga ako naawat pa sa pagtangis. Niyakap ko ang friendship bond ni Shizumaru malapit sa aking puso. Napakasakit ng nadarama ko ngayon! Bakit kailangang umabot sa ganito?

"Shizu-chan..." ani ko, "...patawarin mo ko... patawarin mo ko..."

Niyakap ako ni mommy ng mahigpit, at hindi ko rin mapigilang sariwain ang ala-ala ni Shizumaru nang oras ding iyon. Gaya ng isang pelikula ay isa-isang bumalik ang lahat ng magaganda kong ala-ala tungkol sa kaniya: ang aming unang pagkikita sa paaralan, ang hanami festival, ang pagliligtas niya sa akin sa lumang bodega, ang pagtakas namin sa faculty room, at ang huling tag-araw na magkasama kaming nanunuod ng fireworks display sa dalampasigan ng Chigasaki.

"Shizu-chan," sambit kong muli, "patawarin mo ko..."

~~~

Sa lahat ng ayaw ko ay ang magsu-suot ako ng black suit upang dumalaw sa burol ng isang namatay. Subalit sa gabi'ng ito ay pinili ko ang pinaka-espesyal kong black suit upang dalawin ang burol ng napakahalagang tao na nagmarka sa buhay ko. Kahit sa ganitong paraan man lamang ay maparangalan kita, Shizumaru.

Macho Hearts Book 3: Sakura HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon