NATIGILAN si Maymay sa narinig mula kay Querien. Hindi niya alam kung ano ang ire-reaksyon niya, kung maiiyak ba siya o matatawa. Siseryosohin ba niya ang sinabi nito o baka nama parte nanaman ito ng prank niya.
"Seryoso ka ba?" halata ang kaba sa tono ng boses ni Maymay. Pilit siyang natawa ngunit bakas rin ang pait.
"Maymay, I'm so sorry," nanggigilid ang mga luha ni Querien. Hinawakan niya ang mga kamay ni Maymay habang si Maymay naman ay napatingin sa kaniya. Puno ng tanong ang mga titig nito. Bagay na hirap si Querien na makita.
"Sorry? Ba--bakit sorry? Joke lang 'to 'di ba?" kasabay ng mga salitang iyon ay ang pagtulo ng mga luha ni Maymay.
"Maymay, no. It's true," mahinahong wika ni Querien. Masakit para kay Querien ang mga nangyayari lalo na ang makitang umiiyak si Maymay.
Ilang segundong natahimik si Maymay, nakatitig lamang ito sa mga mata ni Querien pagkuway nakahanap rin siya ng lakas na tanungin ito kung anong dahilan. "Bakit? Ginawa ko naman lahat ah? Kulang pa ba 'yun?"
"Maymay--,"
"Alam ko hindi ako maganda. Hindi makinis ang balat ko. Hindi ako matalino o mayaman. Pero Querien, lahat naman ginawa ko mapasyaa ka lang. Kulang pa ba?" may kasama ng hikbi ang baat salitang binitawa ni Maymay. Nagmistulang gripo ang mga mata niya dahil tuloy lang ito sa pagtulo. Mabuti na lang at nasa isang pribadong silid sila ng isang restaurant, dahil kung hindi magmumukha siyang kaawa awa sa harapan ng napakaraming tao.
"Maganda ka, nasa iyo na ang lahat. Pero Maymay," bumuntong hininga si Querien bago ito nagpatuloy, "hind ito 'yung tipo ng relasyon na gusto ko e," pag-amin ni Querien na talag namang nagpadurog ng husto sa puso ni Maymay. Siya na mismo ang kusang kumawala sa pagkakahawa ni Querien sa mga kamay niya.
"Teka sandali--," napatayo sa kinauupuan niya si Maymay at nagpalakad lakad sa kabuuan ng maliit na pribadong silid. Napasapo siya sa kaniyang nuo at hindi niya malaman kung iiyak na lang ba siya o tatawanan niya na lang ang lahat.
Tumayo si Querien at nilapitan ang litong litong si Maymay. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at iniharap sa kaniya. "Maymay. Calm down, please."
Sandaling kumalma si Maymay at nakatitig lamang ito sa mukha ni Querien. Ilang saglit pa ay naluluhang nagtanong si Maymay, "Minahal mo ba talaga ako?"
Ilang segundong tinitigan ni Querien si Maymay bago niya sinagot ang tanong nito. "Listen, I love you. Napasaya mo ako sa loob ng isang taon na magkasama tayo. Pero Maymay, hindi ko na kayang sabayan yung pagmamahal na ibinibigay mo sa'kin e."
Umatras si Maymay palayo kay Querien at ang kaninang nalilito nitong expression ay napalitan ng galit. "Mahal? Querien kung mahal mo talaga ang isang tao walang dahilan para iwan mo siya!" Muling tumulo ang luha ni Maymay bago siya nagpatuloy, "Kaya mo ba ako iiwan dahil hindi ko maibigay sayo 'yung pagkababae ko?" Halata na ang sobrang pagkastress ni Maymay at kung ano ano na rin ang naiisip niya.
Umiling si Querien, stressed na rin ito sa sitwasyon. "Hindi dahil dyan. Maymay--you know how much I respect you. It's just that," himinto saglit si Querien at napasapo ang dalawang kamay niya sa kaniyang buhok. "Hindi ko kayang suklian o pantayan 'yung pagmamahal na ibinibigay mo sa'kin!" Nagtaas na ng boses si Querien.
"Hindi mo naman kailangang suklian e!" Maging si Maymay ay nagtaas na rin ng boses. "Ang gusto ko lang naman.... ang gusto ko lang lagi kang n'an dyan. Lagi kang nasa tabi ko. Hindi naman mahirap 'yun 'di ba?" May pagmamakaawa at pagsusumamo niyang saad.
"Maymay nasasakal na ako!"
Sabay silang natigilan ng bitawan ni Querien ang mga salitang iyon. Unti unting nawala ang prustrasyon sa mukha ni Maymay ay napakitan ito ng malamig at walang emosyong ekspresyon. Habang si Querien naman ay sinubukan siyang amuhin.