Nag kabanggang mga katawan,
Ang larawan sa aming pagitan,
Ng pinuno sa grupo ng kalalakihan,
Bilis ng puso dama kong umiral.
Init ng ulo ko muntik ng malahad,
Nag patuloy nalamang sa paglalakad,
Na akong kanina pa sumisiklab,
Siklab na tila ba magliliyab.
Ng sabihan akong mangmang,
Init ang sagad kong naramdaman
Dahil sinabi nya iyon ng walang dahilan,
Paningin ko ako'y nakalalamang kaya't sarili'y aking pingilan.
Tapang,Walang takot ang nakita ko sa kanya,
Katangian nya kaya na yaon ay may ibubunga?
Baguhan ako kaya't di ako pumatol,
At sa kwento nya'y di pa ako nakakahabol.
Walang tiyak na nalalaman kung saan sya nagmula,
O, anong uri ng tao ang mayroon syang kamukha,
Inisip ko nalamang na makaiba kami ng kinalakihan,
At hindi sya na palo ng kanyang mga magulang.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...