YURI's POV
Nag-iimpake na ako ng gamit ko kasama ko si Mama at ang beshy ko na si Akesha Jelle.
Jelle: "Beshy sigurado ka na ba dito? Ang layo kaya ng Manila!"
Yuri: "Besh kailangan ko to. Alam mo yun. Tapos ang OA mo masyado, tinalo mo pa pamilya ko sa ka OAhan. Ang lapit lapit lang ng Maynila , mag eroplano ka lang!"
Jelle: "Syempre mawawalan ako ng bff dito.. maiingit lang ako sa inyo ni Kristin don!"
Yuri: "Eh di sama ka!"
Jelle: "Tanga din noh?"
Mama: "Sus! Gusto lang niyan mag-artista!"
Yuri: "Of course Ma.. laki kaya ng kita don! Tiyak uunlad buhay natin!"
Mama: "Uunlad nga, malayo ka naman!"
Jelle: "Hoy Lhaurice aminin mo gusto mo lang makita crush mo! hahaha text mo ko agad pag nakakita ka ng mga gwapo don.. especially si Hashtag Paulo!"
Yuri: "Loka loka! Pupunta ako don para magtrabaho hindi para makipaglandian!"
Jelle: "Ito naman! Landi agad te?"
Yuri: "Mydear beshy, kahit gustuhin ko man.. but I don't want to waste my time para sa pagiging fan girl.. mas kelangan namin ng pera ngayon!"
Mama: "Pasensya na anak. Malalayo ka ng dahil sa amin. Di mo tuloy matatapos yung pag-aaral mo!"
Yuri: "Ma, ayos lang. Matutuloy ko pa naman yun sa susunod na taon eh."
Kailangan ko kasing umalis para magtrabaho. Kailangan kasi namin ng pera ngayon kasi si Papa nagkakasakit, si Mama walang trabaho tapos may dalawang kapatid pa akong nag-aaral, so ako nalang magsasakripisyo para mabuhay kami. Syimpre malungkot din ako kasi mamawalay ako sa Pamilya ko pero kaya ko namang tiisin yun. Trabaho na kasi yung lumalapit sa akin, papalagpasin ko pa ba?! Hahaha ganyan talaga ako, kahit anong trabaho basta kikita ako, wag lang pokpok.
(Fast Forward ---->)
At Airport.....
Dumating na ako sa Manila pero sa Las Pinas City ako titira, makikitira lang naman ako kina Kristin kasi sila lang yung kamag-anak ko dito.
Tita: "Welcome to Las Pinas City sa aking napagandang pamangkin!"
Kristin: "Hahaha Ma, nahiya si Yuri!.... WELCOME SISTERET!" (Sabay hug)
Tita: "Wow nahiya naman ako sa iyo!"
Kristin: "Mana mana eh!" 😁
Yuri: "Salamat talaga sa inyo Tita tsaka Sis, nakakahiya naman makikidagdag pa ako sa inyo!"
Kristin: "Grabe sis ha! Kami lang kaya dalawa ni Mama don!"
Tita: "Pagpasensyahan mo nala yung bahay Yuri ha! Di naman yun mansion eh!"
Yuri: "Naku Tita! Hehehe nahiya naman yung bahay namin!"
"OMAYGAAAAASH!"
Biglang may mga babaeng nagsitilian sa kabila. Napansin namin na parang nagkakagulo na sa kabila kaya tiningnan namin kung anong meron.
Kristin: "Ate anong meron?"
Ate: "Sina hashtag Jon, Paulo, Ryle at Zeus daw.."
Kristin: "Ayy! Wala si Nikko?"
Ate: "Wala!"
Ano daw? Hashtags? 😱 Dahil ba naman sa tangkad kong to wala akong nakita harangan ka ba naman ng mga higante hahaha.! 😄 Sayang! Hanggang nagsialisan na yung mga tao dahil pumasok na sa departure ang ilan sa hashtag. Ok lang kahit hindi ko sila nakita, wala naman si R2 don eh.
BINABASA MO ANG
FAN BE LIKE 😘 [Completed]
FanficROMANTIC COMEDY. Naranasan mo na bang maging isang fan ng sikat na personality? A story of an ordinary fan girl na naging komplikado ang buhay nang makilala niya ang isang Famous Boy Group. He is in love with her. But, she fell for another. What wou...