CHAPTER FIFTHTEN

16 1 4
                                    

PAKANTA KANTA si Elle habang naliligo.Masaya siya at napakagaan ng pakiramdam niya paggising niya.Nag text kasi sa kanya kagabi si Monic at sinabi nitong friends na raw ito at ang Kuya Yixing niya.

Medyo frustrated pa ito dahil hindi lang friendship ang gusto nito pero siya masaya na para dito.Hindi lang niya sinabi rito na isang magandang senyales ang pakikipagkaibigan ng kuya Yixing niya dahil maaaring ma develop pa iyon.

Pagkatapos maligo ay walang pagmamadaling nagbihis siya at saka bumaba sa sala.

"Good Morning, Payat."
Napapitlag pa si Elle nang marinig ang boses ng Kuya JungMyun niya.

Prente itong nakaupo sa sofa at nanonood ng kung anong palabas sa TV.Pupunta sana siya sa kusina para alamin kung may almusal na.

"Naman kuya .  Huwag mo nga akong ginugulat.   Mahina puso ko, ". Reklamo niya habang hawak ang dibdib niya.

Habit na nilang magkakapatid ang basta na lang sumusulpot sa bahay ng isa't isa. Minsan, sila kuya Yixing niya ang pumupunta sa bahay ng kuya JungMyun niya para makikain. Kapag weekends naman ay sa ancestral house nila sila tumatambay.

"Hindi ka parin pala pinapalayas ni Yixing sa bahay niya,"komento nito.

Pagkatapos siyang tignan mula ulo hanggang paa ay pumalatak ito.

"Ang dapat sa'yo, Payat! nag-aasawa na at nang wala na kaming alagaing bata."

"HOY! For your Information. Ano'ng pinagsasabi mo riyan kuya JungMyun? Ang bata ko pa,' no? Kayo dapat ang unang mag-asawa, kasi mas matanda kayo sa'kin,". Angal niya.

Ngumisi ito.
Tulad pa rin ito nang dati. Kung may pagkakataon itong inisin siya ay hindi nito pinapalampas.

" Atleast lalaki kami. Anytime pwede kaming magpakasal sa kung sino mang babae riyan and we can still have a Children even if were Seventy Years old of age. Eh ikaw? May expiration date ang matris mo. Baka wala kaming maging pamangkin sa'yo kasi baka magpakasal ka kung kailan makunat ka na. " Sinabayan pa nito ng tawa ang sinabi.

Tumili siya at tinakpan ang magkabilang tainga. Kahit kailan ay hindi na talaga siya mananalo sa pakikipag-asaran dito. Nakasimangot na tiningnan niya ito. Naalala na naman kasi niya ang isang taong matagal na dapat niyang kalimutan.

"Ano'ng problema,Elle? Ba't ka tumili?"

Sabay silang napatingin ng kuya JungMyun niya sa direksyon ng kusina. Nakakunot-noong nakatingin sa kanila ang kuya Yixing niya. May hawak pa itong Frying pan sa isang kamay at siyansi sa kabila. Mukhang naabala nila ang pagluluto nito.

"Wala naman, Kuya Yixing.Hindi lang kinaya ng power ko si Kuya JungMyun,"sagot niya.

Umiiling na bumalik ang kuya Yixing niya sa kusina habang tawa pa rin nang tawa ang kuya JungMyun niya. Kinuha niya ang isang throw pillow sa sofa at inihampas iyon dito.

"Wala ka talagang magawa sa buhay, no? Kuya JungMyun? Maglaslas ka na nga lang ng pulso! 'Kakainis ka! 'Tumatawang sinasalag nito ang throw pillow na inihahampas niya rito. Nakaramdam na rin kasi siya ng gutom nang maamoy ang niluto ng kuya Yixing niya.

"Hay ewan ko lang kuya. Nagugutom ako lalo nang dahil sa'yo." Ibinato niya rito ang throw pillow na niyakap naman nito at saka muling itinuon na ang atensyon sa TV.

"Buti naman. Abala ka sa panonood ko, eh,". Nakangising sabi ng kuya JungMyun niya na tika nagpipilit lang na manood nhmg TV.

Nagkibit balikat siya at tutungo na sana sa kusina nang marinig niya ang pamilyar na boses mula sa TV. Isang boses na hindi niya akalaing maririnig pa uli niya pagkalipas ng pitong taon.

A Serenity of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon