Imahinasyon

140 0 0
                                    

Sa buhay binata, di mo naman maiiwasan na mainlove di ba? Swerte mo kapag nabigyan ka ng magandang mukha. Madali na lang sayo makahanap ng chicks. Pero malas mo kapag meron kang mukha na halos pinagtakluban ng langit at lupa. Mahirap iyan, itatak mo sa utak mo na baka tumatanda kang binata.

Ako, syempre naman GWAPO. Mula baba hanggang itaas wala kang makikitang bakas ng pagkakamali. Self confidence ang tawag diyan. 

Sa iskul namin, dami mong makikitang mga babae. May tila anghel at meron namang amoy anghit. Merong seksi, at meron namang siniksik ang tigyawat sa mukha. May mga pilit kung magpaganda at may natural nang maganda. May papansin at mga kapansin pansin naman talaga. Para ngang ukay-ukay ee. Pipili ka na lang kung ano ang gusto mo at kung anong kategori. Sa dami dami ng babae, imposible naman na hindi ka makakahanap ng bagay sayo unless basag talaga ang mukha mo.

Maganda, maputi, maganda ngumti, medyo childish. Iyan ang tipo ko sa isang babae. Syempre di na kailangan ng ugali makukuha na naman sa mukha iyan ee at di na uso na tinitignan ang panloob. Buti pa kung panloob na suot di ba ? joke lang! Mas maganda ang kalooban kesa sa panlabas, pinaniniwalaan lang iyan ng mga taong kinapos sa biyaya. Wag na natin sila laitin dahil yun na lang ang pag-asa nila pero ang mundo talaga ay sadyang mapaghusga. Wala na tayong magagawa dun.

Mula greyd iskul hanggang ngayon e di pag ako nagkakaroon ng syota. Di pa din naman ako naliligaw ee, pano ako magkakaroon. Pero ngayon parang nagkaroon ako ng pag-asa na magka-gf. Nakita ko na naman kasi ung babaeng syota ko pero ako lang ang nakakaalam pero siya hindi. 

Kumakain kami ng lunch sa kantin ng makita ko ung crush ko kasama ang mga barkada niya. Lahat naman sila maganda pero siya ung pinaka haylayt ng grupo nila. 1st year lang siya nun ee. Maputi,maganda,kyut, at higit sa lahat matalino pa. Siguro nga isa siya sa may pinakamagandang mukha sa iskul. Pero kung titignan mo, ang tanda ko para ligawan siya. Magmumukha akong kuya o tatay pag naging kami. Age doesn't matter nga di ba ?

Kapag tumitingin ako sa kanya tila nasa langit ako at hinihiling na siya na lang ang angel na magbabantay sakin at makakasama habang buhay. Ang mata niya ay tila dyamante na kumikinang. Ang kanyang boses ay parang isang kanta na napakasarap pakinggan. Sarap mangarap di ba ? Sana malaman ko ung pangalan niya at makuha na din ung number niya sa celpon.

Hindi lang naman siya yung babaeng tumatakbo sa isip ko, madami pa syempre! Ilan ang mga sumusunod : Clara, seksi na dancer ng iskul ; Marian, ang sweet genius ; Aika, party party girl ; Leila, black beauty ; at si Cathy, ang seksi na maganda na enviroment friendly . . . . Green-minded. HAHAHAHAHA madami akong gustong babae pero di ko alam kung gusto nila ako. Iniisip ko na nga lang minsan kung kamukha ko si Dingdong Dantes at may katawan na parang si Derek Ramsey na tila pumuputok na monay ang mga abs. Pero parang hindi ee. Mukhang.......... Mahihigitan ko pa sila dahil saangkin kong kagwapuhan at kayabangan.

Pano bang manligaw ? Yung magbibigay ka nang mga tsokolate o mga Bear Cuddler? Yung ihahatid mo hanggang pauwi at bibitbtin mo payung bag na tila katulong ka niya? Yung lahat ng gusto niya ibibigay mo ? Tapos sa huli, sasabihin niya " Sorry, hanggang magkaibigan lang talaga tayo. Sana may mahanap ka na mas bagay sayo.". Wasak ang mundo mo! Para bang hingisa ka ng napakalaking bato sa ulo mo. Ga=£+* ! Tang mama ! Putang lagay mo! Bwisit !

Pano kaya kung mabaligtad ang mundo no? Ang mga lalaki ung nagpapaligaw at ang mga babae naman ang manliligaw ? Ano kaya mararamdaman nila? Syempre, sarap buhay na ang mga lalaking tulad ko. Mararanasan din nila kung gano kahirap manligaw at gano kasakit mabasted. Di lang tawa ang gagawin ko , HALAKHAK. HAHAHAHHA 

Parang ang sama ko naman pala no ? Pero ganito talaga ako e, malawak mag-isip. Tama na ang pag-iimagine. Pano ko na kaya sisimulan ang panliligaw? Magpatulong kaya ako sa mga kaklase at mga dabarkads ko? Mga beterano na kasi sila sa mga gnung bagay ee :)) HAHAHA

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! Time na pala . Tapos na ung lunch time namin. Akyat na sa room. Mukhang wala ata kaming teacher, absent da sabi ng kabilang seksyon. Oras na para magsaya. 

eSTUPIDyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon