Noong elementary ako, pangarap kong maging Doktor, kasi naman yon lang ang naririnig ko sa mga magulang ko. ‘Anak, magdoktor ka paglaki mo.’ Syempre wala akong nasasabi, yes na lang ako ng yes. Tango ng tango pag sinasabi sa akin iyon ni mama. Kaya pag tinatanong ako ng teacher ko kung ano ang gusto ko paglaki ko, lagi kong sinasagot: ‘Paglaki ko po ma’am gusto kong maging doktor.’ May follow-up na question si ma’am: Bakit? Ang sinasagot ko lang naman sa tanong na yon ay ‘kasi po sabi ni mama.’ Ganon lang kasimple ang mga tanong sa akin kung anong gusto ko noong bata ako.
Noong gumraduate na ako ng elementary, edi High school na ako. Hindi mawawala sa first day of class ang ‘introduce yourself in front of your classmate.’ Akala ko talaga noon hanggang elementary lang pala ang mga ganon. Mali pala ako. Aba, pabonggahan ito ng pag-introduce sa sarili. Bawal ang hiya-hiya kundi masasapawan ka.
Tumayo ang katabi ko. ‘Bakit sa row naming magsisimula?’ Bigla akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Di ako mapakali, ‘Bakit ang bilis magsalita ng katabi ko? Malapit na ako.’ Bumalik na sa upuan niya ang classmate ko. ‘Ako na talaga. Ako na talaga.’ Tumayo ako sa kinauupuan ko. Tumayo ako ng matuwid para kunwari confident ako. Noong pagtayo ko biglang nanikip ang dibdib ko, pinagpapawisan na ako, mas bumilis ang tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim. Nagsimula ako na ako. Ako si blah.blah.blah. ‘Sa ambition in life na ako, anong sasabihin ko? Yong gusto ni mama para sa akin o yong gusto ko talaga para sa sarili ko?’ Nag-isip ako, biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang, ‘When I was in grade school my mama said that being a Doctor is the best for me, but when I graduated grade school, I change my mind and I planned to pursue Accountancy in college and be a CPA-Certified Public ACOUNTANT.’ Ang taray ng lola mo. CPA daw. Napag-iisip isip ko din na maganda ang pagiging ACCOUNTANT, naririnig ko sa mga pinsan ko na maganda ang sweldo ng mga accountant at magaling din ako sa mathematics at analization. Practical akong tao eh, kung saan may magandang sahod, doon ako. PRAKTIKALAN lang naman noon hanggang ngayon.
Fast forward tayo.
Magka-college na ako. Excited na akong mag-enroll sa College of Bussiness Administration, pero ngayon binago na nila ang pangalan naging College of Bussiness Administration and Accountancy. Hiniwalay na ang Accountancy department. Excited na nga ako. Tinignan ko ang cut-off na score para maka-enroll, pagtingin ko, nanlaki ang mata ko at nalungkot ako. 90 ang cut-off, 86 lang ang nakuha ko sa entrance exam ng university. ‘Paano na to? Mawawala na ba ang pangarap ko na maging CPA? Ang pagiging CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT? Magiging FRUSTRATED CPA na lang ako.’ Nakakalungkot naman. Pero hindi ako nawalan ng hope. Magma-MANAGEMENT na lang ako tapos gagalingan ko sa first semester para makapagSHIFT ako sa second semester. Desidido na talaga ako. Agad agad akong pumunta sa department ng business mangament. Pagdating na pagdating ko, nabasa ko ang nakapost sa bulletin board sa labas ng office ng faculty. Nakasulat ‘We do not accept enrolees. We already exceed with our quota. Thank you!’. Another ‘aray’, wala na talagang pag-asa. Wala na talaga ang pangarap ko na maging CPA. Napapabuntong hininga na lang ako ng malalim. ‘Ano na kayang kukunin kong course na pwede akong magshift sa accountancy next sem?’. Wala na akong maisip.
Sa panahong yon, usong uso ang NURSING. Usong uso ang pag-aabroad. Malaki din daw ang sahod ng mga nurse. Susubok ang mga kasama ko sa entrance exam for Nursing. Matry ko nga din. Punta ako agad sa College of Health Sciences. Nakita ko ang mga kasama ko. Nakisingit ako sa pila nila kahit na hindi ko pa sila natanong if anong pinipilahan nila. ‘Anong meron ditto sa pila?’ tanong ko sa kaibigan ko. ‘Kukuha tayo ng form para sa entrance exam para maschedula na kung kelan.’ Ayon naman pala para lang sa entrance exam. ‘Wait, seryoso ba ako? Susubukan ko din ang entrance exam nila? Wala akong alam sa science—hanggang chemistry at physics lang ako. Hanggang numbers lang ata ang kaya ng utak ko.’ Nag-isip ako ng maayos, bigla kong naisip na mas maganda na to kesa sa wala akong maenrolan.
BINABASA MO ANG
FRUSTRATED CPA SLASH REGISTERED NURSE
Short StoryBigo man ako para maging CPA, eh masaya naman ako na magiging rehistradong Nars ako. ;)