Angel's 5

3 0 0
                                    


Pag ka gising ko ay nasa mundo na ako Mga tao tinignan ko ang paligid ko nasa isa akong park madaming nag lalaro na bata tumayo ako at nag lakad lakad napansin ko ang suot ko isang bistida na puti mukha akong tao Ito ang unang araw ko sa aking mission

habang nag lalakad ako ay Lahat ay nakatingin sakin lalo na ang kalalakihan baka may dumi ako sa mukha ko tanong ko sa isip ko , kaya hinayaan ko na lang habang nag lalakad ako ay linga ako nang linga may nakikita akong magagandang bahay, malalaking building ,Madaming tao

madami akong nakikitang masayang pamilya nag tatawanan, nag kukulitan Siguro kung hindi ako namatay siguro ay masaya din kami katulad nila sabi ko sa sarili ko

Habang nag lalakad ako ay biglang may lumapit sakin na binata

"Ate ano pangalan mo? " binata

"Ahm.... ano " hala ano bang pangalan pwede kong sabihin ?

"Ano ate ? " tanong nya uli

"Ahm Angel Andrea pangalan ko " sabi ko sabay ngiti sakanya

"Wow nice name ang ganda kasing ganda mo " Sabi nya na nanlalaki ang ngiti akala mo aabot nang Langit

"Ah salamat " sabi ko " Ahm aalis na pala ako ah bye " Paalam ko sabay takbo

hinihingal ako pero tuloy padin ako nang tuloy napansin ko na malapit na ako sa kalasada kaya sige lang ako sa takbo

Takbo

Takbo

Takbo








"Ate may sasakyan " May sumigaw galing sa likod ko kaya huminto ako

"Ano po i----------"

*Bogs*

Bago ko matuloy ay biglang Nag dilim ang paningin ko dahil may bumangga sakin

-

(Hillary P.O.V)

Galing ako nang school namin dahil nag kita kita kami nang barkada ko tumambay muna kami sa garden nang school sa likod

Habang tinatahak ko ang Daan ay nag sound Trip muna ako

(NP: Your Guardian Angel -TRJA)

ito ang lagi Namin kinakanta nang kapatid ko namimiss ko tuloy ang kapatid ko dahil sa nanyare 8years ago

Flashback

*tok* *tok*

" Kuya pwede pumasok ?" Shan

"Yes baby come in " Sabi ko
pumasok naman sya sabay takbo palapit sakin

nandito kasi ako sa kama naka higa lang

" Kuya can we sing the song ? Yung favorite natin?" Shan

" Ok baby kakantahin natin yun ... wait lang ah kukunin ko yung Guitar ko " Sabi ko sabay tayo sa kama para kunin yung Guitara ko

Bumalik ako sa kama ko At umupo si shan naman ay pumunta sa harap ko sabay yakap sa binigay kong pillow sakanya na naka print yung Mukha naming dalawa

"Game na kuya " Sabi nya kaya inistrum ko na yung guitar

Ako- When i see your face
Tears run down my face
i can't replace

Shan- now that I'm Strong
i have figured out
How this word turns cold

Ako- And it Breaks Through
my soul and i know
I'll find deep inside me
i can be the one

End of Flashback

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako with in 8years na wala ang kapatid ko ay naiiyak padin ako sa tuwing naiisip ko sya Na wala na sya saamin iniwan na nya kami

Habang Pinupunasan ko ang mata ko ay may napansin ako na tumatakbo na Babae Tapos bigla syang huminto sa mismong tapat nang sasakyan ko pa Kaya hindi ko kaagad na preno kaya natamaan ko sya

bumaba agad ako nang sasakyan dahil sa taranta ko ..... pag ka punta ko sa harap nang sasakyan ko ay nakita ko yung babae may dugo yung noo nya kaya dali dali ko syang Binuhat para dalhin sa back sit nang dahan dahan

Pag ka ayos ko sakanya ay pumunta agad ako sa Driver sit at pinaharurot yung sasakyan ko papuntang Hospital namin

After a minute ay nakarating agad ako at lumabas para kunin yung babae sa likod at binuhat papasok nang Hospital

"Nurse tulong " Sigaw ko
may lumapit naman na nurse agad at kumuha nang stretch chair (A/N tama ba yung spell?)

"Sir ano po nanyare?" Tanong nya papunta na kami nang ER

" Nabundol ko sya ." Nag aalalang Sabi ko nasa tapat na kami nang ER kaya huminto ako

"Sir Hillary wait lang po upo po muna kayo jaan i checheck lang po namin sya" sabi nya sabay sarado nang Pinto

(Fast forward)

Nandito ako sa Kwarto nang babae na nabundol ko Habang tinititigan ko sya ay mukha syang anghel

Maganda  matangos ang ilong Mahahabang pilik mata Maputi at Magandang kurba nang labi

Tinitigan ko ang mukha nya  Parang meron syang kamukha .......



Kamukha nya ang pinakamamahal ko na







Nakakababatang Kapatid na Babae na si Shan Na iniwan kami nang maaga

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

100 Days With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon