Sa palengke ng Sto.Tomas kami nagkita dahil isang sakay lang naman ng tricycle ang bahay nila papunta dun.
Ng makababa na ako ng jeep sa terminal umakyat ako sa over pass at doon ako dumaan para makarating sa kabila na kinaroroonan nya.
Ng pababa na ako ng hagdan nakita ko na sya na hinihintay ako.
Nalaman ko na sya yun dahil sinabi nya ang kulay ng damit nya.
Hindi pa naman uso sakin at sa kanya ang facebook noon kaya kahit sa picture di pa kami nagkikita.
Nung magkasama na kami sumakay na kami ng tricycle papunta sa bahay nila.
Habang nasa tricycle kami hindi kami nagkikibuan at hindi kami nag uusap dahil nagkakahiyaan pa kami sa isat isa.
Napakatahimik nya at mukhang mahiyain din, Tama lang ang taas nya,simple lang at mukha namang mabaet.
Pinakilala nya ako sa mga kapatid nya nung makarating na kami sa kanila at mukhang mababaet din sila.
Inasikaso naman nya ako at hindi iniiwan nasa kwarto lang kaming dalawa at nag uusap na.
BINABASA MO ANG
I Found You (Tagalog Lesbian Story)
RomanceIto ay tungkol sa isang lesbian na marami ng nakarelasyon pero walang tumatagal sa kanya dahil hindi sya makontento sa isa. Pero sa huli may makikilala sya na makakapagpabago sa kanya. Sana magustuhan nyo.