Bye Bye Na

4.7K 54 0
                                    


Kinabukasan umalis na ako at bumalik sa work pero hinatid nya ako sa sakayan.
Makalipas ang isang buwan uuwi na ako ng mindoro at aalis na sa trabaho pero bago ako umuwi pumunta muna ako sa kanila at doon ulit ako natulog.
Nag inuman kami ng mga kapatid nya sina kuya robby,ate rufa at nandun din ang papa nya.
Mabaet ang papa nya dahil tanggap nya kami ni rachelle at ganun din ang mga kapatid nya at naging close ko sila.
Hindi ako masyadong sanay sa alak nun kaya madali akong nalasing isang empe ang ininum namin at hindi pa nauubos yun eh kalat na ang s*ka ko.
Bata pa ako nun kaya mahina pa sa alak pinainum nila ako ng kape para mahulasan ako ng konti at pinatulog na nila kami ni rachelle at sila na ang umubos sa natira.
Magkatabi ulit kami ni rachelle pero ganun parin ang nangyari hanggang halik lang.
Kinabukasan nagbyahe na ako pauwi ng mindoro.

I Found You (Tagalog Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon