8...

35 2 0
                                    


Kara

Nakakainis! Bakit ba kasi ako nakakaramdam ngayon ng ganito? Bakit kailangan ko pang makaramdam ng ganto?

Gusto ko tuloy sabunotan ang sarili ko.

Natutuwa ako na nalulungkot at naiinis! Ewan, mababaliw na ata ako!

Sumagi naman bigla ang nangyari kanina at napahigpit ako ng hawak sa manggas ng jacket na suot ko. Tuwa na naman ang nararamdaman ko dahil sa naaamoy ko ngayon ang scent nya sa suot ko and it makes me feel so good. Too good na parang gusto kong maiyak.

[ Flashback ]

Mag-iinat sana ako pagkagising pero di ko na nagawa nang mapansin kong may katabi pala akong natutulog din and her hand was hugging me real close to her. Sa sobrang lapit namin ay ilang dangkal lang pwede na kaming magkahalikan.

Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay ko sa jacket nya sa may dibdib. Aalis na din sana ako sa pagkakayakap nya pero i felt her tighten the hug kaya nanatili na lang ako sa ganung posisyon.

Actually, its better. Kasi malaya kong napagmamasdan ang mukha nya at nahahawakan every detail of her face. I touched her brows, her eyelids, the bridge of her nose until the tip, then her lips. Kinakabahan ako na napapalunok pag nasasagi ng hintuturo ko ang labi nya. Feeling ko may kumikiliti dito at dumadaloy hanggang sa katawan ko. It was a good tingling sensation kaya napangiti ako.

I was silently admiring her. The way her chest rise as she take a breath until sa pagbaba nito. The feeling of her warmth is very comforting. Parang gusto ko pa tuloy sumiksik sa kanya.

Her lips weren't one of the most perfect form but still enough para masabi kong they were kissable. Kaya out of the blue nagulat na lang ako sa sarili ko na tinitake advantage ang chance na ito para maramdaman ko kung gaano ka lambot ang labi nya. Gusto kong malaman ang feeling ng mahalikan ang isang France Zeal Delgado.

Yep tama ang nabasa nyo, i badly wanted to kiss her. Because i've been inlove with her for almost a year now.

Then i felt her ever so soft lips. Ang lambot...at ang init ng labi nya. Di ko tuloy mapigilang hindi kiligin at maging masaya sa pagkakataong ito.

I was a bit caught up with myself nang maramdaman kong umagos ang mainit na luha sa bridge ng ilong ko.

Paano ko ba sasabihin sayo Franz kung gaano kita ka mahal? Paano mo ba mapapansin ang nararamdaman kong ito?

I hope you won't get angry because i let myself fall for you. Hindi ko naman kasi inaasahang makakaramdam ako ng ganito- i've tried controlling and preventing muself from falling deeper. I tried to avoid you. I even taught myself to hate you and made you hate me pero darn! Wala parin! Sa pagpo-focus ko sa sarili kong makalimutan ang feelings ko ay parang naging way pa ito para umigting lalo ang pagkagusto sayo.

And now, just thinking of how close you are to me yet too far from being a lover to you...sobrang sakit. Ansakit lang isipin. Sa tuwing nalalaman ko na may iba kang nagugustohan para akong sinasaksak.

Masyadong masakit ang ganito. Yong feeling na gusto ko na lang sana madapa ka sa daan at mangudngud yang mukha mo para naman mabura sya at wala nang iba pang mag effort na tumingin sayo. Ansama ko diba? Well, mas masama ka... dahil ni minsan di ko pinangarap ang magmahal ng babae yet here i am-... patay na patay sayo!

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon